top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Katotohanan sa mga "kuwento-kuwento" noong Martial Law

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 8, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 8, 2021



TAG-ARAW na.


Mali ang prediksiyon ng PAGASA-DOST na may malalakas na pag-ulan!


◘◘◘


LUMAKI ang inyong lingkod sa bukid kasama ang 9 na kapatid na sinanay ng aming amang si Kapitan Sucing at Ina na si Ditseng Talia.


Ang hanging amaihan ay kakambal ng tag-init na bubungad ang malalamig na simoy ng hangin mula China.


'Yan ang palaging kuwento ng aking ama na anak ng magsasakang si Kapitan Pacio!

◘◘◘


ANG aking ina na si Ditseng Talia ay anak din ng magsasakang si Lolo Gavino ang isa sa mga orihinal na rice trader sa hangganan ng Bigaa at Bocaue!


Isinasakay ni Lolo Gavino ang palay na inani niya at binili sa kapwa magsasaka sa Sitio Karuyan patungo sa istasyon ng tren sa Bocaue sa panahon ng “peace time”.


Ang “pistaym” ay panahon ng Commonwealth period kung saan ang Pilipinas ay kolonya ng U.S.!

◘◘◘


PAYAPA sa Bulacan at iba pang lugar mula nang maparalisa ng US ang mga rebolusyunaryo mula 1900


Hanggang sa “Panahon ng Hapon”.


Ang “Kuwentong Pistaym” ay napalitan ng “Kuwentong Girelya kontra Hapon” nang lumalaki na kami sa panahon naman ng Philippine Republic!


◘◘◘


ANG “Kuwentong Pistaym at Kuwentong Girelya kontra Hapon” ay nasapawan naman ng “Kuwentong Martial Law”.


Sa mga kuwento, ginawang kontrabida ang 'Kano at Hapon samantalang ang si Marcos naman ay ginawang kontrabida ng ilang mga mamamahayag na binusalan umano sa panahon ng Martial Law!

◘◘◘


HINDI makakadepensa ang mga 'Kano at Hapon sa mga “kuwento-kuwento” bilang kontrabida pero sa “Panahon ni Marcos”, malaya ang populasyon sa ngayon na isigaw at itama ang mga “kuwento-kuwento”.


Buhay na saksi sa “Panahon ni Marcos” ang mga sundalo at pulis, barangay leaders, kawani ng Ministry of Human Settlements, opisyales at miyembro ng Kabataang Barangay, mga youth leaders ng 4-H Club ng BaExt, at Pagasa Youth Movement ng DSWD.

◘◘◘


SAKSI rin ang mga magsasaka at matatanda sa nayon na bahagi ng ARBA, Sangguniang Nayon at Katarungang Pambarangay.


Sa modernong social media, malaya ang lahat na isigaw kung ano ang kanilang karanasan sa “Panahon ni Marcos”.

◘◘◘


MALAYA ang kabataan na timbangin kung ano ang totoo at alin ang palsipikado.


Ngayon na ang paghuhusga at matutukoy natin ito sa Mayo 2022!





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page