Katiwalian sa karerahan, ugat ng pagkalugi sa industriya
- BULGAR

- Jan 23, 2021
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | January 23, 2021
Hindi malayong malugi ang industriya ng karera sa bansa kapag nagpatuloy ang katiwalian sa loob ng karerahan na kinasasangkutan ng ilang tiwaling horse owner at hinete.
Binababoy ng isang horse owner ang karera sa Santa Ana Leisure Park sa Naic, Cavite sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan ng ilang hinete. Makikita ang epekto ng huling karera sa SAP noong nakaraang taon sa dami ng entry na sumali ng karera ngayong Sabado sa nasabing karerahan.
Ang hindi pagsuporta ng ilang horse owner sa karera sa SAP ay patunay sa bilang ng entry na sumasali sa karera. Kapag hindi napigilan ang katarantaduhan na ginagawa ng isang horse owner na sangkot sa illegal bookies operation tiyak malulugi ang industriya.
Santa Ana Park : Enero 23,2021 Race 1. Big Big Brown (11) Proof It (12) Hunyo Disinueve (1) Race 2. Prince Popeye (9) Celebrity (5) Aida’s Favorite (8) Race 3. Ultimate Royal (6) Bonifacio (8) Race 4. Minotaur (10) Happy Man(8) Race 5. Narrative(8) Entry no.1. Race 6. Electric Truth (3) Hugo Bozz (4) Morning Breeze (6) Race 7. Ten Ten Forty (7) Polloc Island (2) Entry No.4 Daluyong (6)




Comments