top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

KATHRYN, PABEBE MAGSALITA, 'DI MAINTINDIHAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10, 2023
  • 2 min read

ni Maricon Nolasco @MarisPluk | September 10, 2023



Magkasama sina Dolly de Leon at Kathryn Bernardo sa latest video na in-upload ng Star Cinema sa kanilang YouTube channel at dito nga kumasa ang dalawa sa pagbasa ng mga 'mean comments' tungkol sa kanila.


Pero tila iba naman ang napuna ng mga netizens na nakapanood sa nasabing YouTube video nina Dolly at Kathryn. Hindi kasi nila maiwasang i-point-out ang paraan ng pagsasalita ng huli.


Sana raw ay mai-correct na 'yung 'nasal voice' o parang labas sa ilong na pagsasalita ni Kathryn kasi sa totoo lang daw, ang hirap na raw intindihin ng mga sinasabi ng aktres.


Ang isa naman ay tila iniintriga si Kathryn na nagpagawa ng ilong kaya't naapektuhan daw ang pagsasalita nito at ikinumpara pa ang aktres sa kanyang kaibigan na sumailalim din sa nasabing procedure.


Hindi rin naman daw kasi ganoon magsalita si Kathryn noon, pero bakit kung kailan daw ito tumatanda ay saka ito naging mas pabebe at 'cringey'. Hindi na raw kasi natural ang pagsasalita niya at parang trying hard na maging 'IT' girl at pati pagta-Tagalog ay may accent na rin na 'di nila maintindihan.


Mas maganda nga raw na nababasa ng aktres ang mga pinagsasasabi at opinyon sa kanya ng mga netizens para na rin malaman niya kung ano at saang aspeto pa sa sarili niya ang dapat na i-improve.


Dahil nga makakasama ni Kathryn ang internationally-acclaimed actress na si Dolly sa kanyang latest movie na A Very Good Girl na ipapalabas na ngayong September 27 in theaters nationwide ay mas piniling pagtuunan ng iba ang pag-arte niya.


Marunong naman daw umarte si Kathryn, pero hindi ito magaling. Hindi raw kasi niya makuha 'yung emosyon na gustong makita ng mga viewers kapag umaarte siya. Kumbaga, kulang daw at walang connection. Hindi raw katulad ng ibang artista na madadala ka. Ito rin daw siguro ang dahilan kung bakit hirap siyang makakuha ng mga acting awards.


Pinayuhan naman ng ilang concerned netizens si Kathryn na gawin niya ang kanyang 'homework' bilang artista. Mag-research nang maayos tungkol sa mga roles na gagampanan niya upang magampanan niya nang mahusay ang mga ito.


Hindi na raw kasi nakakasunod si Kathryn sa kanyang mga kasabayan sa industriya at tila napapag-iwanan na nga ito sa larangan ng pag-arte dahil puro one dimensional lang daw ang mga karakter na ginagawa niya. Kaya mas nagmumukha na raw siyang influencer kesa sa legit na actress.


Dito talaga natin masasabi na mas matindi pang manghusga ang mga netizens kesa sa tunay na judge! Akala mo, nasa korte si Kathryn at hinahatulan na nila! Haaaay, jusko!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page