top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Kasunduan sa Ayungin, oks na sa China — Manalo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 27, 2024
  • 1 min read

Updated: Aug 28, 2024

by Angela Fernando @News | July 27, 2024


International Entertainment
Photo: Ph Foreign Sec. - Flightsim.to

Nagpulong si Philippine Foreign Sec. Enrique Manalo at Chinese Foreign Minister Wang Yi kasabay ng ministerial meeting sa Laos at parehong kinumpirma na igagalang ang kamakailang napagkasunduang arrangement sa mga resupply mission sa Ayungin Shoal.


Matatandaang nagsagawa ang 'Pinas ng rotation at reprovisioning mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nu'ng Sabado at wala namang naiulat na insidente, ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).


Ginamit sa misyon ang barkong MV Lapu-Lapu, na sinamahan ng barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Cape Engaño.


Binigyang-linaw din sa ginanap na pagpupulong nu'ng Biyernes ng gabi sa kabisera ng Laos na Vientiane nina Manalo at Wang na ang pansamantalang kasunduan sa Ayungin, na kilala rin bilang Second Thomas Shoal, ay hindi makakaapekto sa posisyon ng teritoryo ng 'Pinas at China sa South China Sea (SCS).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page