top of page
Search
  • BULGAR

Kasong sexual harassment sa mga manyakis sa lansangan

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 12, 2022


Dear Chief Acosta,


Nababahala ako sa aking seguridad dahil sa paulit-ulit na panggugulo at pangangantiyaw ng mga tambay sa aming kanto. Sa tuwing dadaan ako papauwi sa aking tirahan, palagi nila akong pinapaswitan at sinasabihan ng “Miss, ang sexy mo naman”, “Pahingi naman ng number mo” at “Miss, puwede pa-kiss”. Nais kong malaman kung anong batas ang nilabag nila. - Liesel


Dear Liesel,


Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Section 4 ng Republic Act No. 11313 o mas kilala sa tawag na “Safe Spaces Act,” kung saan nakasaad na:


“SECTION 4. Gender-Based Streets and Public Spaces Sexual Harassment. -The crimes of gender-based streets and public spaces sexual harassment are committed through any unwanted and uninvited sexual actions or remarks against any person regardless of the motive for committing such action or remarks.

Gender-based streets and public spaces sexual harassment includes catcalling, wolf-whistling, unwanted invitations, misogynistic, transphobic, homophobic and sexist slurs, persistent uninvited comments or gestures on a person’s appearance, relentless requests for personal details, statement of sexual comments and suggestions, public masturbation or flashing of private parts, groping, or any advances, whether verbal or physical, that is unwanted and has threatened one’s sense of personal space and physical safety, and committed in public spaces such as alleys, roads, sidewalks and parks. Acts constitutive of gender-based streets and public spaces sexual harassment are those performed in buildings, schools, churches, restaurants, malls, public washrooms, bars, internet shops, public markets, transportation terminals or public utility vehicles.” (Binigyang-diin)


Para sa inyong kaalaman, nalabag ng mga tambay sa inyong kanto ang nabanggit na batas dahil ang mga hindi kanais-nais at hindi katanggap-tanggap na mga sekswal na aksyon o salita, tulad ng pagpapaswit at pagsabi ng “Miss, ang sexy mo naman”, “Pahingi naman ng number mo” at “Miss, pwede pa-kiss” ay maituturing na sexual harassment sa mga lansangan at pampublikong lugar. Ang sinumang mapatutunayang gumawa ng sexual harassment sa mga lansangan at pampublikong lugar ay papatawan ng pagkakakulong, multa o pareho, batay sa nabanggit na batas at sa pagpapasya ng korte.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page