top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kasong kriminal vs. Pagsisinungaling sa pinagmulan ng produkto

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 10, 2023


Dear Chief Acosta,


Mayroong isang tindahan dito sa aming lugar na nagbebenta ng mga samu’t saring mga kakanin. Araw-araw nilang ina-advertise at pino-promote sa social media na ang kanilang mga produkto ay galing pang Baguio. Subalit, personal ko silang nakita na sa bahay lamang nila ginagawa ang mga produkto na binebenta nila. Mayroon bang maaaring ikaso sa kanila? –Peter


Dear Peter,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 169.1 (b) ng Republic Act (R.A.) No. 10372 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code of the Philippines, kung saan nakasaad na:


“169.1. xxx. b. In commercial advertising or promotion, misrepresents the nature, characteristics, qualities, or geographic origin of his or her or another person's goods, services, or commercial activities, shall be liable to a civil action for damages and injunction provided in Sections 156 and 157 of this Act by any person who believes that he or she is or is likely to be damaged by such act.”


Sang-ayon sa nabanggit, maaaring sampahan ng civil action for damages at injunction sa ilalim ng Sections 156 at 157 ng R.A. No. 10372 ang sinumang nag-a-advertise ng maling geographic origin o pinagmulan ng kanilang mga produkto. Samakatuwid, nilalabag ng nasabing tindahan ang nabanggit na batas at maaari silang sampahan ng sibil na kaso upang makakuha ng danyos o pinsala at mapatigil sila sa ginagawa nilang ito. Bukod pa ito sa kasong kriminal at administratibo na maaaring isampa para sa panloloko nila sa kanilang mga mamimili sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 7394 o ang Consumer Act of the Philippines.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page