Kaso ng HIV sa ‘Pinas, tumataas — DOH

ni Eli San Miguel @News | May 17, 2024

Patuloy na tumataas ang mga kaso ng HIV o human immunodeficiency virus infection sa Pilipinas, na may 3,410 bagong kaso hanggang Marso ng taong ito, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Biyernes.
“Of these newly diagnosed cases, ages ranged from less than one year old to 66 years old with a median of 28; eight out of 10 (81 percent) were MSM (males having sex with males),” pahayag ng ahensya
Inihayag ng DOH na kasama ang 82 pagkamatay sa pinakabagong naitalang bilang.
Sa kabuuan ng mga numero, sinabi ng DOH na 129,772 na mga kaso ng HIV ang naitala sa bansa mula noong 1984 hanggang Marso 2024, batay sa datos mula sa HIV and AIDS and antiretroviral therapy Registry of the Philippines.





Comments