top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kaso ng COVID, pataas nang pataas… Mga pasaway sa QC, bantay-sarado, lagot!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 20, 2020
1 min read

ni Twincle Esquierdo | October 20, 2020




Humihiling ang Quezon City government ng kooperasyon mula sa mga residente upang magbigay ng impormasyon sa kanila sa mga lumalabag sa minimum health standards.


Ito'y matapos umabot na sa 21,654 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Quezon City, 1,548 dito ang aktibo, 19,498 ang mga gumaling at 608 ang nasawi.


Pahayag ni Mayor Joy Belmonte, mas hihigpitan ito dahil marami ang lumalabas na nagiging dahilan ng pagdami ng mga naaapektuhan ng Covid-19.


“Dahil mas marami nang tao ang lalabas sa kanilang mga tahanan, kailangang mas paigtingin pa natin ang pagbabantay, lalo na sa mga establisimyento na pupuntahan ng karamihan.


"The key to prevent a spike in cases is to ramp up our surveillance and enforcement efforts, and this is where we need the help of QCitizens because our frontliners can only do so much,” sabi ni Belmonte .


“Kaya kailangan natin ang tulong ng lahat upang maiparating sa amin ang mga hindi sumusunod sa mga itinakdang patakaran upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19,” sabi pa ni Belmonte.


Magsisimula ang curfew ng 12 AM hanggang 4 AM ngunit mananatiling nakabukas ng 24-oras ang mga market operations, food take-out, delivery services, pharmacies, hospitals, convenience stores at delivery of goods.


Samantala, hanggang alas-12 nang hatinggabi naman ang mga restaurants, hotels at tourism establishment at hanggang alas-10 ng gabi ang pagbebenta ng mga alak.


Pinapayagan lamang lumabas ang mga nasa edad 18 hanggang 65 at kailangan magdala ng Company ID, government-issued ID, school ID, authorized person outside residence ID, barangay ID or certification.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page