Kaso ng COVID-19 sa buong mundo, umabot na sa 17M
- BULGAR

- Jul 31, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | July 31, 2020

Ayon sa AFP ng Paris, France, umabot na sa 667,361 ang nmamatay sa buong mundo dahil sa COVID-19 simula pa noong unang outbreak sa China noong buwan ng Disyembre.
Samantala, 17,053,650 na ang naitalang kaso ng COVID-19 mula sa 196 bansa at 9,759,200 rito ang gumaling na sa sakit.
Ang mga tally at data na ito ay kinolekta ng AFP mula sa national authority at ang
impormasyon mula sa World Health Organization na nagsasabing maliit na bahagi lamang ito sa aktuwal na bilang ng mga nagkasakit.
Ito ay dahil karamihan sa mga bansa ay isinasagawa lamang ang testing sa mga nakararanas ng sintomas at mga serious cases.
Ayon sa report, pinakamataas na bilang ng namatay ang Brazil sa 1,595, sumunod ang
United States sa 1,267 at India sa 775.
Samantala, kung ikukumpara sa populasyon ng bansa, nangunguna sa mataas na bilang ng mga namatay ang Belgium sa 85 fatalities per 100,000 inhabitants at sinundan ito ng
Britain sa 68, Spain sa 61, Italy sa 58 at Peru sa 57.





Comments