top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kaso ng COVID-19, ‘di malabong madoble ‘pag wala pa ring mass testing

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 19, 2022



DAHIL IBINASURA ANG DQ CASE KAY MARCOS, TULOY ANG INAABANGANG REMATCH NINA LENI VS. BONGBONG–Ibinasura ng Comelec ang disqualification case laban kay former Sen. Bongbong Marcos.


Mainam ‘yan, para matuloy na ang rematch nina Vice-Pres. Leni Robredo at Marcos kasi sa totoo lang, ‘Leni vs. Bongbong’ ang inaabangan ng publiko sa 2022 presidential election habang ang ibang kandidato sa pagka-pangulo ay parang mga saling-pusa lang, boom!


◘◘◘


KAPAG HINDI NAGLUNSAD NG MASS TESTING, BAKA ANG 1.04-M MAY VIRUS SA NCR AY MADOBLE–Sa tantiya ng OCTA Research Group ay maaaring nasa higit 1.04 milyong residente na sa Metro Manila ang nahawaan ng virus at hindi lang ito naire-report ng Department of Health dahil hindi pa nate-testing (swab test) ang mahigit 1 milyong Pinoy.


Kung totoo na ganyan karami ang may virus sa Metro Manila, at patuloy namang tatanggi ang DOH na magsagawa ng mass testing, asahang dodoble pa ang bilang ng mga magka-virus sa National Capital Region, nakupo!


◘◘◘


ASAHANG MALALABAG ANG SOCIAL DISTANCING AT MASS GATHERINGS SA PAGSISIMULA NG CAMPAIGN PERIOD–Sa susunod na buwan, sa Feb. 8 ay start na ang campaign period sa mga tumatakbo sa national positions, sa pagka-pangulo, VP, senador at partylist.


‘Yan ang labis na nakakabahala kasi siguradong malalabag na ang social distancing at mass gatherings at dahil d’yan, baka ang mangyari ay ‘yung mga kandidato, pati kanilang supporters ay may taglay ng mga virus habang nangangampanya, susmaryosep!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page