Kaso ng child pornography sa 'Pinas, dumami — DOJ
- BULGAR

- Jun 11, 2023
- 1 min read
ni Madel Moratillo | June 11, 2023

Isa na ang Pilipinas sa mga bansa na nangunguna sa kaso ng online sexual abuse.
Ayon sa Cybercrime Office ng Department of Justice (DOJ), umabot na sa halos 500,000 cyber tips ang kanilang natanggap.
Kabilang na rin umano ang Pilipinas sa global hotspot pagdating sa child pornography.
Ang paglobo ng mga kaso ng child pornography sa bansa ay nagsimula umano noong panahon ng pandemya.
Sa isang panayam, sinabi April Anne Correa, coordinator ng SaferkidsPH Project, kahirapan ang karaniwang dahilan kaya napupunta sa ganitong krimen maging ang mga kabataan.
Kaya naman malaking hakbang aniya ang pagpasa ng Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act para malabanan ang krimen na ito.
Hinikayat din niya ang mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang batas na ito para masiguro ang kaligtasan ng mga bata sa mga ganitong klase ng pang-aabuso.





Comments