top of page
Search
  • BULGAR

Kasi nga, isip-bata pa… TOPAKING SINGER-ACTRESS, ‘PAG MAY IBANG GUY NA NATIPUHAN, BIGLANG BFF LANG DAW ANG KA-LOVE TEAM

ni Ambet Nabus @Let's See | April 13, 2024


BLIND ITEM:


Ay, nakakaloka naman ang pa-blind item na naibahagi sa amin just recently lang.


Gaano kaya katotoo ang tsismis na naikuwento umano ng isang kilalang male singer-actor sa isang umpukang tsikahan ng mga kapwa niya performers sa isang concert kamakailan na sinusunod lang o sumasakay lang siya sa "trip" ng isang young actress na akala ng lahat ay jowa niya?


Diumano'y trip ngang ipamalita ni young actress na wala nga silang naging relasyon o never naman talagang naging sila ni singer-actor, except for being very close friends.


Meron daw kasing trip ang batang aktres na kapag may natitipuhang ibang cute na guy, nagda-drama itong single o 'di kaya naman ay sobrang magpapa-close sa aktor-singer, either to test kung mapapansin siya o dededmahin ng napagtitripang other guy.


Eh, mukhang seryoso pa naman daw si singer-actor na i-pursue ang anumang "deeper closeness" nila ni young actress, pero madalas nga raw na nag-iisip-"bata" ang huli.


At nito ngang may mga nauugnay na kapwa young actresses kay singer-actor, panay naman ang pa-emote ni young actress sa socmed na feeling nagseselos o may right siya sa singer-actor bilang ka-tandem, love team o jowa?


Napagkakamalan tuloy na 'natural na topakin" o 'di kaya'y malaki raw ang mali sa immature nitong emotions.



0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page