top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Kasama sa 45 nasawi sa 7.8 lindol... Empleyado ng Savemore na-trap, patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 11
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | June 11, 2026



Magnitude 7.8 Save More - BFP

Photo: BFP



Umakyat na sa bilang na 45 ang naitalang nasawi sa 7.8 magnitude na lindol na yumanig sa General Santos City at mga kalapit na lalawigan sa nagpapatuloy  na search operations ng iba't ibang  ahensiya ng gobyerno.


Ayon sa Office of Civil Defense, 17 ang nawawala at patuloy na pinaghahanap habang umabot na sa 630 ang mga nasugatan sa malakas na lindol noong June 8.


Kabilang sa nakuhang bangkay nitong Miyerkules ay ang empleyado ng Savemore na na-trap sa gusali na si Joey Delovio, 39.


Maraming istruktura ang napinsala at nagpapatuloy ang structural assessment ng DPWH sa GenSan at iba pang mga lugar sa Mindanao.


Batay sa inilabas na data ng Department of Education, mahigit 1,100 na mga silid-aralan sa buong Mindanao ang napinsala dahil sa lindol na malaking epekto sa sektor ng edukasyon.


Kabilang sa mga lugar na naitala ang maraming napinsalang mga classroom ay Sultan Kudarat, South Cotabato, Davao de Oro, Valencia City at iba pang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page