top of page

Kasal, pinag-uusapan na raw… KIM, SI PAULO AT PAMILYA LANG ANG INVITED SA B-DAY, IT’S SHOWTIME HOSTS AT MGA BOSSES, OUT!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 21, 2026



TALKIES - KIM, SI PAULO AT PAMILYA LANG ANG INVITED SA B-DAY, IT’S SHOWTIME HOSTS AT MGA BOSSES, OUT-FB Circulating

Photo: FB / Circulating



Usap-usapan ngayon sa social media ang tila napaka-private na pagdiriwang ng kaarawan ni Kim Chiu, na lalo pang nagpainit sa espekulasyon ng mga netizens na posibleng may kinalaman ito sa umano’y nalalapit na kasalan nila ni Paulo Avelino.


Sey ng mga netizens…


“Malakas ang kutob ko, may kinalaman ang preparation sa wedding. Maraming napapaisip, first time nag-celebrate ng birthday si Kimmy na sobrang private, exclusive for family lang.


“Obvious din daw kasi na walang lumabas na mga larawan except sa glam team, Ate Haidz at Ate Twinkle. Walang boss, maging mga artista, parang wala.


“Balita rin daw na present ang family ni Paulo. ‘Yung kaba namin, nag-uumapaw.”

Iba raw kasi ang tahimik na pagse-celebrate ng birthday ni Kim lalo pa at tanging family lang ng aktor ang naroroon.


Tanong tuloy nila, may pamamanhikan na raw bang nagaganap?

Komento ng mga netizens:


“Happy birthday, Kimmy, handa kaming maghintay sa susunod na ilalabas ninyo.”

“Kaya pala blowout ni Pau ang party.”


“Yes, officially a private occasion kasi it’s outside SB. Sama sa prenuptial memories sigurado.”


“Oo nga, si Pau lang ang celebrity na nandu’n. Hinanap ko ang It’s Showtime family n’ya at ‘yung mga big bosses ng ABS-CBN lalo na si Direk Lauren, wala. Siguro, collab party ito ng Chiu-Avelino families hinggil sa big wedding plan ng KimPau.”


“Kaya pala ang Showtime fam, when they sing happy birthday to Kimmy, walang apelyido na Chiu. They sing happy birthday, Kim, happy birthday, Kim. Alam na, malapit nang maging Kim Chiu Avelino.”





IPINAGBIBILI ang Museo de Padilla na pag-aari ng aktor-pulitiko na si Sen. Robin Padilla. Makikita sa Facebook (FB) page ang video clip kung saan makikita ang napakagandang museo.


Saad ni Sen. Robin, “Malugod ko pong inaalok ang Museo de Padilla sa sinumang interesado na bumili nito.


“Ito po ay may apat na kuwartong apartment, dalawang studio-type na apartment, at sa main house ay may anim na kuwarto, isang music room, isang conference hall, isang main kitchen, tatlong ballroom, at isang meeting hall.


“Kung kayo po ay interesado, maaari po kayong mag-email sa eavcalendars@gmail.com at mag-iwan ng contact number.”


Sa comment section ng post ni Sen. Robin, marami ang nagandahan sa Museo de Padilla.


Saad ng isang netizen, “Siguro isa sa mga rason kung bakit ibebenta ni Senator ito ay para makatulong s’ya sa mga mahihirap. Noon, mga baril ang collection n’ya.”


Komento ng isa pang netizen, “‘Wag namang ibenta ang mga memories, idol Robin Padilla. Pamana ito sa susunod na henerasyon ng iyong angkan, sa mga anak, apo, at darating pang henerasyon. ‘Di ang lugar kundi ang mga alaala.”


Korek ka riyan, Madam Netizen. 


Well, sure si yours truly na may magandang dahilan si Sen. Robin Padilla para ibenta ang napakagandang Museo de Padilla.





HINDI pinalagpas ng aktres na si Klea Pineda ang mga bashers na pati ang anak ng aktres na si Janella Salvador ay ginagamit para sa paggawa ng content.


Sa social media post ni Klea, nagbahagi siya ng kanyang saloobin tungkol sa maling asal ng mga haters.


Saad ni Klea, “‘Yung pamba-bash ng mga tao online, sobra-sobra na nga, tapos ito pa? Pati bata, ‘di ninyo man lang pinalagpas?


“Gagawa na lang kayo ng content, bata pa ang pinagdiskitahan ninyo. Iilan lang ito sa mga komentong kumakalat online.


“‘Di ko alam kung paano tumatakbo ang isip ng mga taong ito. The way some people think is honestly disturbing. Sobrang perfect ninyo siguro, ano?


“Tigilan ninyo ang mga bata. ‘Wag ninyo idamay sa madumi at toxic ninyong pag-iisip.”

Well, mga bashers, paalala lang po, ingat-ingat sa mga binibitawang komento.


Dahil ang mga bashers sa Pilipinas ay maaaring sampahan ng kaso sa ilalim ng Republic Act 11313 o Safe Spaces Act at Cybercrime Prevention Act of 2012 o RA 10175.





“DATI sobrang hirap, ngayon nakaka-LL (luwag-luwag) na,” ang pahayag ng Pinoy Big Brother (PBB) Big Winner na si Fyang Smith sa YouTube (YT) channel ng broadcast journalist na si Karen Davila.


Sa panayam, tinanong ni Karen si Fyang kung paano nabago ang buhay nito matapos manalo sa PBB.


Saad ni Fyang, “Nagbago po ang buhay ko. Siguro po, starting, na-feel ko po na wala na akong tulog kasi dati po, parang anytime, antok ako, tulog.


“Ngayon po, kasi parang limited na po ang tulog ko at sobrang laki po ng binago ng PBB sa buhay ko, especially kung paano po ang life namin before na sobrang hirap. Ngayon po, nakaka-LL na po.”


Tanong ni Karen, “Ano’ng nakaka-LL?”

Saad ni Fyang, “Nakakaluwag-luwag.”


Sey naman ni Karen, “Oh, my God! That’s a good one. Hahaha!”

Saad ni Fyang, “Nakaka-LL na po ngayon na naibibigay ko na po ang gusto ng kapatid ko at ng mommy ko. So, thank the Lord.”


Well, sana all ay nakaka-LL. 

Pak, ganern! ‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page