Kasal nila, ilang buwan na lang daw… JESSY, UMAMING 2 YRS. NA ANG SINGSING NA BIGAY NI LUIS
- BULGAR

- Aug 27, 2020
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 27, 2020

Sa Zoom presscon para sa bagong fitness show ni Jessy Mendiola sa TV5 na Fit For Life ay ipinakita ng aktres ang promise ring na ibinigay sa kanya ng boyfriend na si Luis Manzano.
“Ibinigay niya sa akin ‘to two years ago and oo, suot ko siya lagi. It’s a great feeling na alam mo ‘yun, you know na he respects my time. ‘Yung timeline ko, inirerespeto niya, ‘yung mga plano ko sa buhay, inirerespeto niya and he was there all the way,” ani Jessy.
Thankful din daw siya sa boyfriend sa pagiging patient nito sa kanya.
“It’s not about the ring lang, eh. It’s the meaning behind it and ‘yung mga experiences na napagdaanan namin together. And ‘yun, I’m very, very happy na he treasures everything sa relationship namin,” she said.
Although siyempre, promise ring pa lang ito at wala pa talagang engagement ring, parang doon na rin naman papunta ang kanilang relasyon at inamin naman ng aktres na napag-uusapan na rin nila ni Luis ang pagse-settle down.
“So, you know, everything happens sa tamang oras and siyempre, nasa plano ‘yan ni Lord kaya dapat, patient ka lang sa mga nagaganap sa buhay mo.”
Nabanggit ni Jessy sa kanyang latest YouTube vlog na ang dream house nila ni Luis ay sa tabi ng dagat at doon nila gustong mag-settle down. Natanong siya sa nasabing presscon kung mga ilang years pa kaya bago mangyari ‘yun at pasabog ang sagot ng aktres.
“Feeling ko, mga months na lang,” pagbubunyag ni Jessy. Siyempre, nagulat ang lahat.
“Naku, parang marami na yata akong nasasabi,” natatawa niyang sabi.
Ipina-elaborate sa kanya kung ano ba ang ibig niyang sabihin or may nakaplano na ba talaga silang kung anuman?
“Marami na kaming naka-plan, pero ‘yun nga, gusto lang naming unti-unti, and of course, sa maraming nagaganap, gusto naming palipasin itong pandemic na ‘to. But everything’s clear for us. ‘Yun na lang muna ang sasabihin ko,” pahayag ni Jessy.
So, may itinatayo na silang bahay by the beach?
“Months na lang, matutupad na ‘yung pangarap namin na may house by the beach. May plans na kami, as in, literal plans na and all,” sey niya.
So, after the pandemic, can we expect a Luis-Jessy grand wedding na? 'Yan ang dapat abangan.
Samantala, matagal na palang dream ni Jessy na magkaroon ng isang fitness show kaya naman super thankful siya sa TV5 for making this dream come true.
“I’m very, very happy na nabigyan ako ng opportunity na ‘to kasi, it’s been a dream of mine, and of course, passion ko talaga ang pagiging fit and marami na ring pinagdaanan ang aking life pagdating sa pagiging healthy and fit, and you know, with working out,” she said.
Nag-pilot episode na ang Fit for Life last Aug. 16 at napapanood ito every Sunday at 7 am sa TV5 and replays on Colours sa Cignal TV (CH 202 HD & 60 SD) every Monday at 7 PM.





Comments