Kasal, never daw maa-annul… XIAN GAZA: MISIS NI CONG. ALBEE, SUMIKAT LANG PERO TALUNG-TALO SA LABAN
- BULGAR

- May 31, 2025
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 31, 2025
Photo: IG Xian Gaza at Albee Benitez FB
Halu-halo ang reaksiyon ng mga netizens sa pagkakadawit ng pangalan ni Ivana Alawi sa marital issue nina Bacolod Cong. Albee Benitez at Mrs. Nikki Benitez.
Hindi makapaniwala ang maraming fans ni Ivana sa inaakusa sa kanya na ‘other woman’ diumano ni Cong. Albee, lalo’t sa kanyang mga YouTube vlogs, palaging sinasabi ng aktres-vlogger na businessman ang nagpapasaya sa kanya at hindi naman pulitiko.
Maka-pamilya rin ang imahe ng seksing aktres kaya hindi naniniwala ang mga netizens na kukunsintihin si Ivana ng kanyang ina para manira ng pamilya.
Ilan sa mga komento ng mga netizens…
“2003 pa lang, hiwalay na ‘yung mag-asawa, legal separation pa raw. Marami nang dumaan na babae pala, bakit si Ivana lang idinadawit?”
“‘Yan ang power ng legal wife, kaya ‘wag na ‘wag n’yong maliitin... puwede ka naman pumatol, eh, maraming binata d’yan, sa may sabit pa.”
“I could totally agree. I’m not fan or hater ni Ms. Ivana. Actually a friend mentioned her long time ago siguro before pandemic days pa, na Ivana had relationship with government personality. No doubts na s’ya talaga ang mistress kasi mahilig s’ya sa mga congressman/mayor etc... Kaya biglang yaman s’ya. Hindi ‘yan pure vlogs lang talaga.”
“Sa nagsasabing mas mayaman si Ivana, check n’yo net worth ng lalaki. Billion na ‘yan long time ago pa, si Ivana was only earning millions.”
“Nakakalungkot na sa halip na ayusin sa pribado ang isyu ng mag-asawa, ginawang public spectacle para lang manira ng ibang tao. Si Ivana ay hindi dapat isangkot sa gulo ng mag-asawa, lalo na kung wala namang malinaw na ebidensiya.”
“Sayang ang ganda kung maging sabit lang…”
“Why blame her alone, it takes two to TANGO.”
“Sana, hinintay n’yo muna ang statement ni Ms. Ivana. She denies all allegations, may nagpapasaya na po sa kanya and he is a businessman... even Mayor Albee apologizes to Ms. Ivana and her family. Nagkataon lang at isang beses lang nagkasabay sina Ivana at Mayor Albee, do you think ito-tolerate ng nanay n’ya ‘yan... napaka-family-oriented nila at ang buti ng nanay nila…”
Heto naman ang opinyon ng Pambansang Marites na si Christian Gaza sa kanyang Facebook (FB) account:
“Kasal kayo at hindi lang basta magdyowa, imbes na ayusin n’yo privately ‘yung marriage issues ninyo, ginamit mo ito as content to establish your social media brand. Cementing yourself in the industry as a woman na niloko ng kanyang asawa. ‘Yung baho ng mister mo ay s’yang baho mo and you used your own baho para maabot ‘yung pinapangarap mong kasikatan.
“So tell me now, after ng malaking eskandalong ito, sino’ng judge ang tatanggap ng annulment case ninyo? Wala. Adultery is not a ground for annulment. Sa divorce lang ‘yun uubra, pero wala pa tayong divorce sa Pilipinas, that’s why kailangan mo ng malaking pera para bayaran ‘yung judge to make your marriage as null and void.
“At dahil pinaputok mo nationwide ‘yung issue ninyong dalawa, kahit magbayad pa kayo ng P10 milyong piso under the table, walang tatanggap sa annulment ninyo dahil mawawalan ng lisensya ‘yung judge at mga abogadong involved.
“That means mananatili kayong kasal for a very long time kahit hiwalay na kayo.
“Paano ka ngayon maglo-loan sa bangko? Paano ka ngayon bibili ng bahay at mga ari-arian? Paano ka ngayon kukuha ng insurance? Paano ka ngayon mag-a-apply ng mga visa?
“Everything is conjugal. Sakit sa ulo ‘yang ginawa mo. Hindi mo pinag-isipan mabuti. Maybe it’s beneficial for you now dahil pumalo ‘yung pangalan mo sa Pilipinas overnight, but believe me, after 2 weeks, limot ka na ng lahat. Lilipas lang din ito kagaya ng napakaraming tsismis sa ‘Pinas.
“Ikaw lang din ang magsa-suffer pati na ‘yung mga anak mo. Ikaw lang din ‘yung talo. God bless you.”
Indeed!
Dating member ng T.G.I.S…
RED STERNBERG, PUMANAW NA SA EDAD NA 50
PUMANAW na ang dating aktor na isa sa cast ng T.G.I.S. (dating youth-oriented show nu’ng 1995-1999) na si Red Sternberg.
Sa Facebook post ng kanyang misis na si Sandy Sternberg kahapon, May 30, kinumpirma nitong pumanaw na ang dating aktor nu’ng May 27 pa sa edad na 50.
Kahapon sana magpi-51 si Red, pero hindi na nga ito umabot sa kanyang kaarawan.
Hindi binanggit ni Sandy ang dahilan ng pagkamatay ng asawa, pero base sa report ng GMA-7, mukhang nakipaglaban sa sakit ang dating Kapuso actor.
Si Red ay kasabayan noon nina Bobby Andrews, Angelu de Leon, Michael Flores at Raven Villanueva sa T.G.I.S.
Taos-puso po kaming nakikiramay dito sa BULGAR sa mga naiwang pamilya ni Red Sternberg.






Comments