Kasal, kaya ‘di na tuloy… AMA NI VINCENT, MAY INIHIRIT SA PRENUP NA PINALAGAN NI BEA DAHIL TALUNG-TALO SIYA
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 23, 2026

Photo: FB Circulated
Kumakalat ang isyung hindi umano bet si Bea Alonzo ng pamilya ni Vincent Co.
Naniniwala ang mga netizens na ito ang dahilan ng napabalitang pagkansela ng kasal nila.
Sey ng isang netizen, “I’d just want to say na totoo ‘to. ‘Di kasi s’ya gusto ng parents ni GTB (groom-to-be). I know, kasi ‘yung ninang namin ng asawa ko sa kasal ay president ng isa sa mga company ventures ng Co fam, at ito ay naikuwento n’ya sa aming family friend. ‘Yun lang.”
Ayon sa usap-usapan, may hindi pagkakaunawaan umano sa prenup agreement na pinalagan daw ni Bea.
Ani ng isa, “Actually, Bea agreed on the standard prenup, then the father of the groom allegedly added clauses for the protection of the family’s wealth. I heard na during marriage, all income should go to the family trust. So, ‘di ‘to favorable para sa magiging asawa.”
Pagtataka ng iba, bakit hindi naayos agad ang prenup bago ang final na preparasyon ng kasal?
Sey pa ng ibang mga netizens:
“Bakit ‘di muna nila pinag-usapan lahat bago umabot sa ganito, lalo na’t malapit na ang kasal?”
“May standard prenup na sila at nag-agree si Bea. Nagdagdag lang ang father-in-law ng clauses kaya pumalag s’ya, ayon sa mga abogado n’ya. Imposibleng hindi ‘to dumaan sa legal advice.”
Posible rin na inaayos pa lamang ang mga detalye ng kasunduan bago ang final na desisyon sa kasal.
Kaya lang, nauna raw ang mga announcement sa simbahan bago pa tuluyang matapos ang mga usapan.
No choice kundi ipagpatuloy ang preparasyon habang inaayos pa ang prenup.
Ngayon, sinasabing hindi na raw tuloy ang inaabangang Wedding of the Year.
Kung totoo na tumanggi si Bea sa mga pagbabago sa prenup, may mga nagsasabing tama lang ang kanyang naging desisyon.
Komento pa ng mga fans:
“Kung totoo man, Bea, you are financially independent. ‘Wag mong isakripisyo ang sarili mo sa isang sitwasyong ‘di patas. Mas mabuti nang single kaysa mapunta sa isang kumplikadong relasyon.”
“Congratulations, Bea! You did the right thing.”
“Don’t settle for less.”
Agree.
BALIK-TAMBALAN si Judy Ann Santos at Cannes Best Director Brillante Mendoza sa political-drama film titled Aid.
Makakasama rin sa cast na pinangungunahan ni Juday ang French actors na sina Jeanne Balibar at Stacy Martin.
Ang Aid ay ipinakilala sa mga internasyonal na kasosyo sa Cannes Film Market na may Fire & Ice Media na naka-attach bilang delegadong producer kasama ng Ghost City Films ng France at ng Netherlands' Human Films.
Inaasahan din na ang proyekto ay isa sa mga unang feature na ginawa sa ilalim ng bilateral co-production agreement na nilagdaan ng France at Pilipinas sa
Cannes noong nakaraang taon.
Nakatakdang umpisahan ang Aid sa buwan ng Oktubre ngayong taon.





Comments