top of page

Kasal, inaabangan na… SUE, “MY BABY” ANG TAWAG KAY DOMINIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2025
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 28, 2025



Image: Sue Ramirez at Dominic Roque - IG


Maraming netizens ang kinilig sa “My baby,” comment ni Sue Ramirez sa post ni Dominic Roque ng photos nila nang dumalo sila sa kasal.


Ikinatuwa ng mga DominSue fans na pati sa kasal, magkasama sila.

Walang caption si Dominic kung kaninong kasal ang dinaluhan nila at kung sino ang may kaibigan sa mga ikinasal.


Makikita lang sa photos na masaya ang magdyowa to be with their friends.

Anyway, dumaan ang birthday nina Sue at Dominic na walang marriage proposal na nangyari, kaya balik sa pag-aabang ang kanilang mga fans sa big day nila. 

Ang daming comments na, “Can’t wait for these two to get married! Propose muna pala.”


Nasira lang ang masayang mood sa post ni Dominic nang may mag-comment na kay Bea Alonzo pa rin siya na sinagot ng fan ni Sue ng, “Kay Sue naman ako.” 


Bago pa mag-away ang dalawang fans, may nag-comment na ‘wag nang haluan ng nega ang post. Maging masaya na lang sila na masaya sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kani-kanilang partner ngayon.



Panira raw kay Sam…

DAVID, HINAHARANG SA SERYE NI BARBIE



PREMIERE night this Monday ng P77, ang horror movie na pinagbibidahan ni Barbie Forteza. Bukod sa pelikula, inaabangan kung sino kina David Licauco at Jameson Blake

ang darating para suportahan ang aktres.


Dahil love team sina Barbie at David, malamang, ang aktor ang dumating lalo at pareho silang Kapuso.


Dahil din ito sa dumating si Barbie sa premiere night ng movie nina David at Sanya Lopez, kaya ine-expect ng mga fans ang pagdating ni David. 


Si Jameson naman ay hindi Kapuso, nali-link lang siya kay Barbie mula nang magkasama sa isang project.


Saka, magandang pang-promo na rin daw ang pagdalo ni David sa premiere night ng movie ni Barbie para sa paglabas niya sa Beauty Empire (BE). Nag-taping na ang aktor at malamang this week, mapanood na ang kanyang karakter.


Napansin lang namin na kung marami ang masaya na magge-guest si David sa BE, may fans din si Barbie na hindi natutuwa. Para sa kanila, the series is doing well kahit wala si David.


Sana raw, ipinush na lang ang love angle ng mga karakter nina Barbie at Sam Concepcion na kinakitaan ng chemistry.


Isa pang isyu sa mga fans ni Barbie, baka raw kapag tumaas ang rating ng series, sabihing dahil kay David at hindi dahil sa ganda ng series at sa mahusay na cast. 

Pero, aminin man o hindi ng nagpupuksaang fans nila, mas maingay kapag magkasama sila sa project, may kilig, kaya hayaan na nilang dumating ang aktor sa premiere night at mag-guest sa BE.


Birthday pala ni Barbie Forteza sa July 31, pa-birthday gift na sana ng mga nag-aaway nilang fans ni David Licauco ang panoorin ang P77. Saka na sila magbardagulan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page