Kasal, after ‘di matuloy… VINCENT, SINUSUYO RAW ULI SI BEA
- BULGAR

- 6 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 23, 2026

Photo: FB / Circulated
Usap-usapan ngayon sa social media ang diumano’y panunuyo o muling panliligaw ni Vincent Co kay Bea Alonzo.
Ayon sa mga ulat, handa umano ang billionaire businessman na gawin ang lahat upang maipagpatuloy ang kanilang relasyon at ang kanilang pagpapakasal, kabilang ang muling pag-aayos nito na gaganapin sana sa Spain.
Gayunman, tila hindi ito magiging madali dahil may usapin umano tungkol sa prenup agreement at kung papayag ang pamilya ni Vincent sa plano ng kasal.
Well, may tsika na dati nang tinutulan ng mga magulang ni Vincent Co ang una niyang GF noon, kaya nananatili siyang single hanggang sa edad na 45.
Samantala, abala si Bea sa kanyang pagbabalik-taping para sa bagong serye sa GMA-7 na Whispers from Heaven (WFH). Nabili rin niya ang isang high-end condo sa Rockwell, na personal niyang inaasikaso.
Ayon sa usap-usapan, doon sana titira sina Bea Alonzo at Vincent Co kung natuloy ang kanilang kasal sa Spain noong May 16.
Sa edad 31, multi-millionaire na…
DAVID, TODO-PAYAMAN, ‘DI PRIORITY ANG BABAE
NGAYONG matatapos na ang Never Say Die (NSD), nag-aabang ang BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) fans sa susunod na proyekto ni David Licauco sa GMA Network.
Umaasa rin sila sa muling pagtatambal ng dalawa sa isang bagong proyekto.
Gayunman, mukhang matatagalan pa ang muling pagsasama nina Barbie at David sa isang serye. May project ang aktres kasama si Megastar Sharon Cuneta. Malaking proyekto ito at committed si Barbie sa serye.
Samantala, nakatuon ngayon si David sa kanyang mga negosyo. Nasa peak siya ng pagpapalawak ng kanyang mga itinayong negosyo.
Mayroon siyang food and beverage business, ang Sóbra Café, at ang Korean-inspired na restaurant na Kuya Korea. May mga food franchise rin siya.
May sarili rin siyang construction company, at nagsisimula na ang construction ng kanyang resort sa Siargao.
Ginagawa niya ang lahat ng ito kasabay ng kanyang career.
Sa edad na 31, isa nang ganap na multi-millionaire si David Licauco kaya hindi niya magawang magseryoso sa pag-ibig.
NAG-AANYAYA si Wilson Lee Flores sa araw na ito sa book launching ng veteran actress na si Boots Anson-Roa na gaganapin sa coffee shop ng Kamuning Bakery.
Matutunghayan sa librong Grateful ang journey ng buhay ni Ms. Boots at ang kanyang mahusay na pamamahala sa Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND).
Bahagi ng kikitain ng librong Grateful ay ibabahagi sa foundation.
Inaasahan na tatangkilikin ng mga kapwa celebrities ni Boots ang naturang libro.
NAKAGAWIAN na ng mga Pinoy viewers ang panonood ng sitcom na Pepito Manaloto (PM) tuwing Sabado ng gabi sa GMA-7. Tipikal na Pinoy ang kuwento ng comedy-drama series na masang-masa ang appeal.
Swak ang tandem nina Manilyn Reynes at Michael V. bilang sina Elsa at Pepito, na mala-young John at Marsha (Dolphy and Nida Blanca).
Bumagay din sina Jake Vargas at Angel Satsumi bilang kanilang mga anak, habang markado rin ang papel ng veteran comedienne na si Nova Villa.
Si Angel ay 6 years old pa lamang nang maging bahagi ng PM at doon na rin nag-debut sa show.
Si Jake Vargas naman ay binatilyo pa noon at ngayon ay malapit na ring mag-asawa.
Inaabangan ng mga viewers kung kailan gagawa ng episode ang PM kung saan ipakikilala na ni Jake kina Elsa (Manilyn R.) at Pepito (Michael V.) ang babaeng kanyang pakakasalan. Gayundin, kung magkakaroon na ba ng mga manliligaw at boyfriend si Clarissa (Angel), at kung paano tatanggapin nina Elsa at Pepito ang pag-alis ng kanilang mga anak.





Comments