Kasabay ng tag-ulan.. Kaso ng mga kinagat ng daga, tumaas sa Dagupan City
- BULGAR

- May 28, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | May 28, 2022

Nakapagtala ng kapuna-punang pagtaas ng mga kaso ng kagat ng dagat o rat bite cases sa Dagupan City sa gitna ito ng panahon ng tag-ulan, ayon sa health office ng lungsod.
Base sa datos mula sa Dagupan City Health Office, lumalabas na dalawa hanggang tatlong rat bite cases ang naire-report araw-araw sa naturang lugar.
Ilan mga residente rin ang nagtutungo sa health center para sila ay magpabakuna laban sa tetanus, kung saan ito ang makukuhang sakit mula sa mga daga o kagat ng daga.
Habang ang iba naman ay gustong magpabakuna laban sa rabies. Ayon sa city health center, sapat ang kanilang suplay ng anti-rabies vaccines para sa mga animal bite patients o mga pasyenteng kinagat ng hayop.
Kaugnay nito, mula Enero hanggang Mayo 2022 ay tinatayang nasa 3,000 animal bite cases ang nai-record sa Dagupan. Ang bilang ng kaso ngayong taon ay mas mataas kumpara noong nakaraang taon, sabi pa ng health office ng lugar.
Sa ngayon, pinag-aaralan na ng health office ng Dagupan City kung paano mapipigilan ang pagdami ng mga kaso ng kinakagat ng daga.




Comments