top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kartadang malupit ang target ng FC Iloilo at Stallion Laguna

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 27, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | August 27, 2022



Pagpapanatili ng kanilang mga malinis na kartada ang pakay ng Kaya FC Iloilo at Stallion Laguna FC sa pagpapatuloy ng 2022-2023 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways sa magkahiwalay na palaruan ngayong Sabado. Sisikapin din ng defending champion United City FC na bumawi at sumabay sa mga nangungunang koponan sa ika-4 na linggo ng pambansang ligang propesyunal.


Haharapin ng Kaya ang walang panalong Maharlika Manila FC sa Rizal Memorial Stadium simula ng 3 p.m. Susundan ito ng tapatan ng United City at Azkals Development Team ng 5:30 p.m.


May tatlong sunod-sunod na tagumpay ang Kaya habang kabaligtaran ang Maharlika na tatlong sunod-sunod ang pagkabigo. Pangunahin para sa Maharlika ay paano nila pipigilin ang matinding opensa ng Kaya na naka-angkla kay kapitan Jovin Bedic at Daizo Horikoshi.


Sa kasabay na laro, magsusubukan ang Stallion at bisitang Dynamic Herb Cebu FC sa Binan Football Stadium simula ng 4 p.m. Ito na rin ang pormal na pagbabalik ng PFL sa palaruan matapos ang 2019.


Samantala, magkakaroon ng FIFA Friendly ang Philippine Women’s National Football Team ngayong Set. 7 kontra sa 2023 FIFA Women’s World Cup co-host New Zealand.


Gaganapin ang laban sa California State University-Fullerton sa U.S. simula ng 8 a.m. oras sa Pilipinas.


Ito ang unang sabak ng Filipinas matapos mag-kampeon sa 2022 AFF Women’s Championship noong Hulyo. Kasalukuyang ika-22 sa FIFA Ranking ang New Zealand at maaaring makaharap muli ng ika-53 Pilipinas sa World Cup na tatakbo mula Hulyo 20 hanggang Agosto 20, 2023.


Mga laro ngayong Sabado – Rizal Memorial Stadium

3:00 PM Kaya Iloilo vs. Maharlika Manila

5:30 PM United City vs. Azkals Development Team

4:00 PM Stallion Laguna vs. Dynamic Herb Cebu (Binan City)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page