Karpintero na akyat-bahay, kulong

ni Gina Plenago @News | October 12, 2026

Photo: File
Kalaboso ang 31-anyos na karpintero na umano'y sangkot sa panloloob ng bahay nang masukol ng pulisya noong Sabado ng hapon sa Muntinlupa City.
Ala-1:45 ng hapon nang maaresto si alyas Razul sa Brgy. Alabang ng mga elemento ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor.
Sa warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Abraham Joseph B. Alcantara ng Regional Trial Court Branch 204 ng Muntinlupa City nasukol si “Razul” na nahaharap sa kasong Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons na may piyansang P100,000.





Comments