top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Karl Malone Foundation at Water Flow Foundation Inc., nagsanib puwersa sa pagtulong sa mga lalawigan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2022
2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | December 12, 2022



Hello, Bulgarians! Ginanap kamakailan sa SMX Convention Center SM Aura, Taguig City ang makasaysayang pagsasama ng Water Flow Foundation Inc., isang Manila-based non-profit organization na nakatuon sa pagbibigay ng seguridad sa tubig para sa bawat komunidad at ng Karl Malone Foundation na pinangungunahan ng kilalang NBA Legend at Hall of Famer Karl “The Mailman” Malone at ng kabiyak na si Kay, na isang Filipina kasama ang kanilang buong pamilya.



Sa nasabing event dumalo sina Karl Malone Jr. at Robert Ariotti, bilang kinatawan ng Malone family, naroon din ang Founder and President ng Water Flow Foundation, Inc, na si Edwin Miranda at Co-Founder na si Maricar “Chie” Malaki at ilang personalidad na sumusuporta, kabilang sina Atty. Sean Reyes, Attorney General of Utah at si Paul Holbrook, Presidente ng MINDStyle International. Nakatanggap ang Water Flow Foundation Inc., ng tulong pinansyal na gagamitin para sa mga susunod pang proyekto, nagbigay ng 100,000 USD ang Karl Malone Group of Companies at Karl and Kay Malone and Family, samantalang 10,000 USD mula sa sponsor na si Ryan Bowen.


Sa mga susunod na panahon itatayo ang Karl and Kay Malone Family Center sa Burgos, Zambales. Isang multi-use community center, na mayroong flexible spaces na magagamit para sa learning/training, health and wellness, livelihood activities at iba pa, hindi lamang upang mapabuti ang kabuhayan ng mga nakatira sa lugar kundi pagyamanin ang hinaharap na henerasyon.


Ang isa sa kuwento ng tagumpay ng Foundation ay ang pakikipagtulungan nito sa komunidad ng Purok 5 at 6 sa Brgy. Burgos, Botolan, Zambales. Kung saan noong nakaraang taon naglagay ito ng pundasyon para sa water pump at tangke na nakatulong ngayon sa mahigit 250 pamilya na magkaroon ng access sa tubig sa nasabing lugar.


Para sa mga gustong tumulong o maging kabahagi sa adbokasiya ng Water Flow Foundation Inc., maaaring bisitahin ang kanilang website www.waterflowfoundation.org


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page