top of page
SHOWBIZ SPECIAL - GARY V., ‘DI UBRANG MAGPA-STEMCELL-IG _garyvalenciano.jpg

Karen, na-wow mali, nadulas… KABAYAN NOLI, BALIK-TV PATROL NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 25
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 25, 2026



TALKIES - KABAYAN NOLI, BALIK-TV PATROL NA-IG _kabayannolidecastro

Photo: IG _kabayannolidecastro



Natawa ang mga Kapamilya viewers ng TV Patrol matapos ang isang nakakatawang behind-the-scenes moment kung saan tila hindi sinasadyang na-spoil ni broadcast journalist Karen Davila ang pagbabalik ni Kabayan Noli de Castro.


Habang patapos na ang programa, masayang sinabi ni Karen, “Okay, at saka sa Monday, ha, exciting dahil magbabalik si Kabayan!"


Agad namang napansin ni Karen ang kanyang nasabi at makikita ang pagkagulat sa kanyang mukha, na idinaan na lamang niya sa tawa. Lalo tuloy itong ikinatuwa ng mga manonood.


Nagbiro naman si Alvin Elchico, “Ay, inanunsiyo na ba? Ito naman, hindi pa nga inaanunsiyo! Wala na, inanunsiyo mo na. ‘Di para mapilitan si Kabayan. Inanunsiyo mo na, nakakahiya naman. Si Karen Davila ang nag-anunsiyo, tapos ‘di s’ya pupunta.”


Natawa na lamang si Karen at sinabing “So, see you. ‘Yan ang tawag na ‘Ang daldal mo!’”


Tanong ni Bernadette Sembrano habang nakangiti, “Ano kayang new look ni Kabayan?”


Sa kabila ng tila pagiging ‘spoiler’ sa naturang behind-the-scenes moment, marami pa ring viewers ang natuwa sa natural at nakaaaliw na reaksiyon ni Karen Davila.





ISANG nakaaantig na kuwento ng pananampalataya at pag-asa ang ibinahagi ng OPM hitmaker na si Joey Albert nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).

Sa panayam, binalikan ni Joey ang kanyang matinding laban sa cervical at colon cancer, na aniya ay hindi naging madali dahil mayroon silang hereditary condition na tinatawag na “Lynch syndrome”.


Ayon kay Boy Abunda, hindi lamang ang mga awitin ni Joey ang nagbibigay-inspirasyon kundi maging ang kanyang buhay.


Ikinuwento naman ni Joey na nakita na niyang pumanaw ang kanyang ama at kapatid dahil sa parehong kondisyon kaya kahit paano ay inihanda na niya ang sarili.


Ani Joey, “One foot in front of the other. Hope and faith. Tuwing nangyayari, naiisip mo, ‘Ito na ba, Lord?’ Pero dahil nakita ko na ang pinagdaanan ng daddy ko at ate ko, parang naghanda na lang ako.”


Sinabi rin ng singer na bawat desisyong ginawa niya ay para sa kapakanan ng kanyang pamilya upang kung may mangyari man sa kanya, maayos ang kanyang maiiwan.


Inamin din ni Joey na itinuro sa kanya ng kanyang ina na huwag ipakita sa publiko ang kanyang paghihirap.


Sey niya, “‘Wag na ‘wag mong ipakita sa tao na naghihirap ka,’ lagi n’yang paalala. Kaya babalik ako na parang walang nangyari.”


Gayunman, hindi itinanggi ng OPM icon ang hirap na kanyang pinagdaanan.

Aniya, “‘Di ko itatago, ‘di ako magkukunwari, mahirap at masakit. Masakit ang chemo, ang side effects. Mahirap makita na unti-unting nalalagas ang buhok mo. Lumalaban ka nang lumalaban pero ‘di mo alam kung hanggang saan ka dadalhin ng laban mo.


“It helps you also to carry that burden joyfully kasi kaya nai-inspire ‘yung ibang tao. Natututo rin sila na, nakikita nila kung kaya ni Joey, kaya ko rin. Courage lang.”

Indeed, nothing is impossible when we face life’s battles with God-given courage and faith.





HATID ng ABS-CBN News sa mga Pilipino ang mga kaganapan at detalyadong diskusyon sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. (PBBM) sa live special coverage nito ngayong Hulyo 27 (Lunes), na mapapanood sa TV at online.


Pangungunahan nina Karen Davila at Alvin Elchico ang special coverage, kasama ang buong puwersa ng ABS-CBN News sa loob at labas ng Batasang Pambansa upang maghatid ng balita at makabuluhang talakayan sa ika-limang SONA ni Pangulong Marcos, Jr..


Iimbitahan din ng ABS-CBN News ang ilang eksperto, political analyst, at socio-civic leaders upang talakayin ang implikasyon ng talumpati ng Pangulo sa kanyang pamamahala at ang magiging epekto nito sa estado ng bansa, sa ekonomiya, pulitika, imprastraktura, soberanya, at serbisyo publiko.


Mapapanood ang special coverage ng ABS-CBN News sa paparating na SONA 2026 ngayong Hulyo 27 simula 3:15 ng hapon sa telebisyon sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at ANC. Eere rin ito online sa Kapamilya Online Live, sa digital platforms ng ABS-CBN News, ANC 24/7 YouTube (YT) channel, at iWant.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page