top of page

Karapatan sa mana ng kapatid sa labas

  • BULGAR
  • Oct 19, 2022
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 19, 2022


Dear Chief Acosta,


May iniwan na ari-arian ang aking nag-iisang kapatid sa ama. Wala siyang asawa o anak. Patay na rin ang aming mga magulang. Nais kong malaman kung may karapatan ba akong magmana sa kanya kahit ako ay half-brother lamang niya? - CJ


Dear CJ,


Para sa iyong kaalaman, nakasaad sa Seksyon 1003 at 1007 ng New Civil Code of the Philippines na may karapatan magmana ang half-brother kung walang ibang naiwan na asawa, anak, o ninuno o inanak (ascendants o descendants) ang namatay. Kung ang lahat ng tagapagmana ay puro kapatid sa isang magulang lang, lahat sila ay magmamana ng pantay-pantay. Ayon sa nasabing batas:


“Art. 1003. If there are no descendants, ascendants, illegitimate children, or a surviving spouse, the collateral relatives shall succeed to the entire estate of the deceased in accordance with the following articles.


Art. 1007. In case brothers and sisters of the half blood, some on the father's and some on the mother's side, are the only survivors, all shall inherit in equal shares without distinction as to the origin of the property.”


Samakatwid, dahil walang naiwan na asawa, anak o magulang ang iyong nag-iisang kapatid sa ama, maaari mong manahin ang kanyang naiwan na mga ari-arian kahit kayo ay half-blood brother lamang.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page