top of page
Search
  • BULGAR

Karapatan para sa tamang pagpapatupad ng search warrant

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 5, 2022


Malinaw na nakasaad sa Rule 126 ng Revised Rules on Criminal Procedure ang mga sumusunod:


“Section 8. Search of house, room, or premise to be made in presence of two witnesses. — No search of a house, room, or any other premise shall be made except in the presence of the lawful occupant thereof or any member of his family or in the absence of the latter, two witnesses of sufficient age and discretion residing in the same locality.


Section 9. Time of making search. — The warrant must direct that it be served in the day time, unless the affidavit asserts that the property is on the person or in the place ordered to be searched, in which case a direction may be inserted that it be served at any time of the day or night.


Section 10. Validity of search warrant. — A search warrant shall be valid for ten (10) days from its date. Thereafter it shall be void.”


Ayon sa mga nabanggit na probisyon, malinaw na ang pagsisilbi ng search warrant ay marapat na isinasagawa sang-ayon sa kung ano ang rekisito na inilatag ng batas at regulasyon. Sapagkat ang bawat mamamayan ay mayroong karapatan na magkaroon ng seguridad sa kanilang tahanan alinsunod sa Seksyon 2, Artikulo III ng ating Saligang Batas, kung saan nakasaad na:


“Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o warrant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyakang tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.”


Ang paghahalughog sa bahay, silid o anumang lugar na nakasaad sa search warrant ay dapat gawin sa presensiya ng mga legal na nakatira roon o sinumang miyembro ng kanyang pamilya o kung wala rin ang huli, kinakailangang may dalawang (2) saksi na may sapat na edad at pagpapasya, na naninirahan din sa parehong lokalidad (two witnesses of sufficient age and discretion residing in the same locality).


Ayon sa Supreme Court Administrative Matter No. 21-06-08-SC, kinakailangang magsuot ng body-worn camera at isa pang alternatibong kagamitan sa pagre-record ang mga pulis na magpapatupad ng search warrant upang maitala ang lahat ng mangyayari simula ng dumating ang mga pulis at hanggang sa matapos sila sa paghahanap ng mga bagay na nakasulat sa search warrant. Bago rin umpisahan ang pagpapatupad sa nasabing search warrant, kinakailangan na masabihan ang mga legal na nakatira sa lugar na magsasagawa ng paghahanap ang mga pulis alinsunod sa warrant na inisyu ng korte at ito ay magiging recorded. Ang search warrant din ay dapat na ipinatutupad sa araw o daytime maliban kung mapatutunayan na ang bagay o ari-arian ay nasa tao o lugar na iniutos na halughugin ay maaaring ihain sa anumang oras ng araw o gabi. Ang pagpapatupad din ng search warrant ay maaari lamang gawin sa partikular na lugar na nakasulat sa warrant.


Ang search warrant ay balido lamang sa loob ng 10-araw mula nang ito ay mailabas ng hukuman.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page