Karapatan ng SSS Member
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 6, 2022
Karapatan sa buwanang pensyon. Ang halaga ng pensyon ay maaaring ang pinakamataas sa mga sumusunod:
Ang kabuuan ng mga sumusunod: P300; plus 20% ng average monthly salary credit ng miyembro; plus 2% ng average monthly salary credited para sa bawat credited year of service na higit sa 10 taon; o
40% ng average monthly salary credit; o P1,000: kailangan lamang na ang buwanang pensyon ay hindi mababayaran kung ang sa pinagsamang hulog ay mas mababa sa 60-buwan.
Gayunman, ang mga miyembro na mayroong 10 credit years of service ay makatatanggap ng pensyon na hindi bababa sa P1,200. Para naman sa mga miyembrong mayroong 20 credited years of service, pensyon na hindi bababa sa P2,400.
Ang average monthly salary credit ay ang nakuhang resulta sa pamamagitan ng paghati sa 60 ang kabuuan ng nakaraang 60 monthly salary credits bago ang semestre ng contingency o ang resulta na nakuha sa pamamagitan ng paghati ng kabuuan ng lahat ng monthly salary credits na nabayaran bago ang semestre ng contingency sa bilang ng nabayaran na buwanang kontribusyon para sa parehong panahon, alinman ang mas mataas. Kinakailangan lamang na ang pagkakasakit o kapinsalaan dahilan ng pagkabalda ay ipinagpapalagay na permanenteng pagkabalda para sa layuning mabilang ang average monthly salary credit.
Karapatan sa Dependent’s Pension.
Kapag ang buwanang pensyon ay binabayaran nang dahil sa kamatayan, permanente at total na pagkabalda (disability) o pagreretiro (retirement), ang dependent’s pensyon na katumbas ng 10% ng buwanang pensyon o P250, alinman ang mas mataas ay ibabayad para sa bawat anak na ipinanganak bago o pagkatapos ng contingency (pangyayari) pero hindi hihigit sa limang anak. Uunahin ang pinakabata at walang paghalili. Kapag mayroong lehitimo at hindi lehitimong anak, mas bibigyan ng pabor ang mga lehitimong anak.
Karapatan sa Retirement Benefit.
Ang miyembro na nakapagbayad ng 120 monthly contributions bago ang semester ng pagreretiro at (1) umabot sa edad 60 at wala nang trabaho o hindi self-employed o (2) umabot sa edad 65 ay mababayaran ng monthly pension hanggang sa siya ay nabubuhay. Mayroong karapatang makapamili ang miyembro na tanggapin ang kabuuan ng kanyang unang 18 buwang pensyon bawas ang interest na itatalaga ng SSS.
Ang miyembro na 60 taon sa kanyang pagreretiro, wala nang trabaho at hindi na nagbabayad ng kanyang SSS para sa kanyang sarili pero hindi pa kuwalipikado para sa pensyon benefits na nakasaad sa unang talata ay mabibigyan ng lump sum benefit na katumbas ng kabuuan ng lahat ng kontribusyong (total contribution) binayaran niya at binayaran ng iba para sa kanya;
Kapag namatay ang miyembro, ang kanyang mga pangunahing beneficiaries sa petsa ng kanyang paretiro ay maaaring tumanggap ng monthly pension. Kapag wala siyang beneficiaries at namatay siya sa loob ng 60 buwan bago ang umpisa ng kanyang monthly pension, ang kanyang secondary beneficiaries ay tatanggap ng lump sum benefit katumbas ng total monthly pension na nakapaloob sa balance ng five-year guaranteed period bawas ang dependent’s pension;
Ang buwanang pensyon ng miyembro na nagretiro kapag umabot na siya sa edad 60 ay alin sa: (1) buwanang pensyon na kinuwenta sa pinakamaagang araw na siya ay nagretiro kung siya ay nawalan ng trabaho o natapos na naging self-employed dagdag ang mga adjustments; o (2) ang monthly pension na kinuwenta sa araw na siya ay aktuwal na nagretiro.
Karapatan para sa Death Benefit.
Sa kamatayan ng miyembro na nakapagbayad ng nasa 36 monthly contributions bago ang semestre ng kanyang kamatayan, ang kanyang mga primary beneficiaries ay makatatanggap ng buwanang pensyon. Kapag walang primary beneficiaries, ang mga secondary beneficiaries ay makatatanggap ng lump sum benefit na katumbas ng 36 x monthly pension. Kapag hindi nabayaran ng miyembro ang kinakailangang 36 monthly contributions, ang kanyang mga primary o secondary beneficiaries ay tatanggap ng lump sum benefit na katumbas ng monthly pension x bilang ng monthly contribution na nabayaran sa SSS, o 12 x monthly pension, alin man ang mas mataas.
Karapatan para sa Permanent Disability Benefit.
Ang miyembro na nakapagbayad ng 36 monthly contributions na nakaranas ng permanenteng pagkabalda ay makatatanggap ng buwanang pension. Kapag hindi nabayaran ng miyembro ang kinakailangang 36 monthly contributions, siya ay tatanggap ng lump sum benefit na katumbas ng monthly pension x bilang ng monthly contribution na nabayaran sa SSS, o 12 x monthly pension, alin man ang mas mataas.
Karapatan para sa Funeral Benefits na nagkakahalaga mula P20,000 hanggang P40,000.
Karapatan para sa Sickness Benefit.
Ang isang miyembro na nakapagbayad ng may tatlong monthly contributions o higit pa sa loob ng 12-month period bago ang semestre ng kanyang pagkakasakit o pagkapinsala at na-confine sa ospital ng higit sa tatlong (3) araw ay makatatanggap ng 90% ng kanyang daily salary credit mula sa kanyang employer o SSS para sa bawat araw ng compensable confinement.
Kinakailangan na ipaalam ng miyembro sa kanyang employer sa loob ng limang araw pagkatapos ng unang araw ng kanyang pagkaka-confine maliban kung ang kanyang confinement ay sa isang ospital o siya ay nasaktan o nasugatan habang siya ay nagtatrabaho. Sa gayong sitwasyon, hindi na kailangan ang abiso sa employer.
Babayaran ng SSS ng 100% ang daily benefit na ibinayad ng employer matapos makatanggap ang SSS ng pruweba ang pagbabayad at legalidad nito.
Karapatan para sa Maternity Leave Benefit.
Ang babaeng miyembro na nakapagbayad ng tatlong monthly contributions o higit pa sa loob ng 12-month period bago ang araw ng panganganak o miscarriage ay makatatanggap ng benepisyo na katumbas ng 100% ng kanyang average daily salary credit x 105 na araw para sa panganganak, maging normal o caesarean delivery man. Kapag naman nagkaroon ng miscarriage o emergency termination ang pagbubuntis, siya ay may karapatang mabigyan ng 60 araw na maternity leave benefit. (Inamyendahan ng Republic Act No. 11210 o mas kilala sa titulong "105-Day Expanded Maternity Leave Law").
Karapatan sa Salary Loan.
Ang empleyadong miyembro ng SSS na updated sa pagbabayad ng kanyang kontribusyon at pagbabayad sa iba pa niyang SSS loans ay maaaring mag-apply para makakuha ng salary loan. Kinakailangan lamang na nakapagbayad ng anim na buwanang kontribusyon sa loob ng 12 buwan bago ang intensyong mag-apply para mabigyan ng salary loan.
Para sa isang (1) buwang salary loan ang miyembro ay marapat na nakapagbayad na ng 36 monthly contributions bago ang kanyang aplikasyon.
Para sa dalawang (2) buwang salary loan, ang miyembro ay marapat na nakapagbayad ng 72 monthly contributions.





Comments