top of page
INSIDER - JULIE ANNE, KUMANTA KUNG BAKIT HINIWALAYAN NG FIRST LOVE-IG _myjaps & _aldenrich

Karapatan ng mag-asawang legally separated

  • BULGAR
  • Nov 27, 2022
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 27, 2022


Sang-ayon sa Article 55 ng Family Code of the Philippines, ang Petition for Legal Separation ay maaaring ihain base sa mga sumusunod:


1. Repeated physical violence or grossly abusive conduct directed against the petitioner, a common child, or a child of the petitioner;

2. Physical violence or moral pressure to compel the petitioner to change religious or political affiliation;

3. Attempt of respondent to corrupt or induce the petitioner, a common child, or a child of the petitioner, to engage in prostitution, or connivance in such corruption or inducement;

4. Final judgment sentencing the respondent to imprisonment of more than six years, even if pardoned;

5. Drug addiction or habitual alcoholism of the respondent;

6. Lesbianism or homosexuality of the respondent;

7. Contracting by the respondent of a subsequent bigamous marriage, whether in the Philippines or abroad;

8. Sexual infidelity or perversion;

9. Attempt by the respondent against the life of the petitioner; or

10. Abandonment of petitioner by respondent without justifiable cause for more than one year.


Ang naagrabyadong asawa na mayroong dahilan, tulad ng mga nabanggit sa itaas ay maaaring maghain ng kanyang petisyon sa husgado sa loob ng limang taon mula nang nangyari ang kanyang basehan para hilingin sa husgado na maging legal siyang hiwalay sa kanyang asawa. Kapag nakahain na ang petisyon ay may karapatan ang bawat panig na humiwalay ng kanilang tirahan. Kapag walang napagkasunduan ang mag-asawa na mangangalaga sa kanilang ari-arian, husgado ang magtatalaga kung sino sa mag-asawa ang magiging tagapangalaga ng mga nabanggit na ari-arian.


Kapag napagdesisyunan ng husgado ang petisyon at ito ay pinagbigyan, ang kasal ay hindi pa rin napapawalang-bisa, subalit ang mag-asawa ay may karapatang bumukod ng kanilang tirahan. Ang absolute o conjugal partnership ay magwawakas, subalit ang may salang asawa ay hindi maaaring humingi ng kanyang bahagi sa mga kita ng absolute o conjugal partnership at mapupunta sa kanilang anak. Ang kustodiya para sa mga menor de edad na anak ay maibibigay sa walang kasalanang asawa.


Ang nagkasalang asawa ay diskwalipikado rin na makakuha ng mana mula sa naagrabyadong asawa sa intestate succession at kung may nagawang testamento ang inosenteng asawa pabor sa may salang asawa nito ay mawawalan ito ng bisa ayon sa batas.


Matapos na ang decree ng legal separation ay maging pinal, maaaring ipawalang-bisa ng inosenteng asawa ang anumang donasyon na kanyang isinagawa pabor sa kanyang asawa maging ng anumang designasyon nito pabor sa kanyang asawa bilang benepisaryo sa insurance policy kahit ang designasyon ng huli ay irrevocable. Ang pagbawi ng donasyon ay kinakailangang mairehistro sa Register of Deeds kung saan matatagpuan ang nasabing ari-arian. Anumang pagpapawalang-bisa ng donasyon ay kinakailangang magawa sa loob ng limang taon matapos maging pinal ang decree ng legal separation.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page