top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Karamihan sa partylist ang habol magka-pork barrel, ‘yun lang!

BULGAR
May 13, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 13, 2022


DAMING NANALONG PARTYLIST NA ANG HANGAD LANG MAGKA-PORK BARREL – Hiling ni outgoing Pres. Rodrigo Duterte kay incoming Pres. Bongbong Marcos ay buwagin na ang partylist system sa bansa.


Dapat lang! Kasi sa totoo lang, ang daming nanalong partylist ngayon na hindi naman hangad ay magserbisyo sa mga niri-represent nilang sektor, kundi upang magka-pork barrel lang, period!


◘◘◘


DAPAT BUWAGIN NA ANG PARTYLIST SYSTEM SA ‘PINAS – May mga partylist na talagang ang ipinaglalaban ay para sa kapakanan ng niri-represent nilang sektor pero kaunti lang ‘yan, dahil sa ngayon ay sobrang daming partylist na ang nagtatag ay mga trapo (traditional politicians).


Kaya't may punto talaga si P-Duterte na hilingin sa susunod na administrasyon na buwagin na ang partylist system dahil ang nakikinabang lang sa mga ito (partylist) ay mga trapo, pamilya ng mga trapo at hindi ang niri-represent nilang sektor, boom!


◘◘◘


MARAMI KASING PERANG INILABAS ANG MGA PULITIKO PAMBILI NG BOTO KAYA LUMAGO ANG EKONOMIYA – Ayon sa NEDA (National Economic Development Authority), tumaas ng 8.3 % ang ekonomiya ng bansa sa first quarter (Enero hanggang Marso) ng year 2022.


Tataas talaga ang ekonomiya sa first quarter ng year 2022 dahil sa panahon na ‘yan ay maraming pulitiko ang naglabas ng pera para ipambili ng boto, at dahil may pera na ang mga botanteng nagbebenta ng boto, ang resulta niyan syempre ay paglago ng ekonomiya dahil iikot ang pera sa merkado.


At dahil tapos na ang eleksyon, asahan naman ang pagbagsak ng ekonomiya sa second quarter (April, May at June) ng year 2022 kasi wala ng pulitiko ang maglalabas ng pera, dahil ang naisipan ngayon ng mga nagwagi sa halalan ay paano babawiin sa kaban ng bayan, plus tubo, ang ginastos nila sa eleksyon, period!


◘◘◘


WALA NANG MAGTITIWALA KAY ROQUE BILANG HUMAN RIGHTS LAWYER KASI NAGSILBI SIYA SA HUMAN RIGHTS VIOLATOR – Matapos matalo sa senatorial election, ang sabi ni dating presidential spokesman Harry Roque ay babalik na lang daw siya sa pag-a-abogado.


Ang problema ngayon ni Roque ay hindi na siya makakabalik bilang human rights lawyer dahil wala nang magtitiwala sa kanya kasi nga ay pumayag siyang maging spokesman noon ng human rights violator na si P-Duterte, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page