top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Karagdagang paghihigpit sa MRT, seryosohin!

BULGAR
Jun 6, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | June 6, 2022


Bilang bahagi ng paghihigpit ng seguridad sa buong linya, ipinagbabawal na ang pagdadala ng posporo at lighter sa pagsakay sa MRT-3.


Ito ay matapos ianunsiyo ng Office for Transportation Security na siguraduhing istriktong naipatutupad ang security plan ng mga transport operators sa bansa matapos maiulat ang ilang insidente ng pambobomba sa Mindanao.


Sumailalim sa masusing bag checking at screening at inspection control ng mga ipinagbabawal na kagamitan ang lahat ng mga pasahero at kawani bago makapasok sa mga istasyon.


Samantala, bukod sa posporo at lighter, bawal nang ipasok ang anumang uri ng armas o ammunition, gayundin ang patalim o anumang matutulis at nakakahiwang mga bagay; explosives and incendiary substances; flammable o madaling magliyab at nakakalason na mga gas at kemikal; at mga mapanganib na kagamitan at kemikal tulad ng pesticides, muriatic acid, liquid hydrogen atbp.


Gayundin, nakiusap ang pamunuan sa mga pasahero na agad ipagbigay-alam sa mga security personnel at marshal kung sakaling may napansin silang kahina-hinalang bagay o taong may kahina-hinalang kilos.


Tiniyak naman ng pamunuan na may kapangyarihan ang mga security marshal na huwag pasakayin o pababain ang mga pasaherong susuway sa ipinatutupad na mga patakaran.


Nauunawaan nating kinakailangang magpatupad ng mga paghihigpit bilang karagdagang pag-iingat at sana’y ganundin ang lahat ng mananakay. Tandaan na hindi ito biro at kailangan nating tumalima.


At dahil kailangan ng masusing inspeksiyon bago makapasok sa istasyon, asahan na ang mahabang pila. Kasabay nito, panawagan nating magbaon ng maraming pasensya dahil para rin naman ito sa lahat.


Hangad nating magtuluy-tuloy ang mga hakbang na ito upang mapigilan ang anumang banta sa kaligtasan ng publiko.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page