Karagdagang 780K doses ng Pfizer vaccine para sa mga batang edad 5-11, dumating na sa bansa
- BULGAR
- Feb 11, 2022
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | February 11, 2022

Dumating na sa bansa ang karagdagang 780,000 ng Pfizer COVID-19 vaccine doses para sa mga batang edad 5 hanggang 11 nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, ang mga naturang bakuna ay lulan ng Air Hong Kong flight LD456 at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bandang 9 p.m.
Ang mga bakunang ito ay binili ng gobyerno sa pamamagitan ng loan sa World Bank.
Ito na ang ikalawang batch ng Pfizer vaccine doses na nakalaan para sa naturang age group.
Noong Pebrero 7 ginanap ang unang araw ng pagbabakuna para sa mga batang edad 5 hanggang 11 kung saan halos 10,000 minors ang nabakunahan kontra-COVID-19.
Comments