top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kapulisan, doble-kayod para sa ligtas na BSKE

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 20, 2023
1 min read

@Editorial | October 20, 2023


Umarangkada na ang kampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.


Kaugnay nito, umakyat na sa 18 insidente ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na may kaugnayan sa nalalapit na halalan.


Ang mga insidente ay naitala ng kapulisan mula Agosto 12 hanggang Oktubre 18, 2023.


Mula sa 18 election related incident, 12 ang mga kaso ng pamamaril, dalawa ang kidnapping, at tig-isa ang may kinalaman sa grave threat, indiscriminate firing, paglabag sa gun ban, at isang police operation na nagresulta sa armadong engkuwentro.


Kaya sa mga awtoridad, kailangang magdoble-kayod para mapigilan ang banta ng karahasan. Mas higpitan ang pagbabantay at higit sa lahat, iwasang masangkot sa pulitika. Bilang alagad ng batas, ang ating katapatan ay para sa taumbayan at hindi sa mga pulitiko.


Masasabing mas mainit talaga ang tunggalian sa barangay. Kung saan, halos magkakakilala ang mga kandidato kaya hindi maiwasang magkapersonalan hanggang sa mauwi sa karahasan.


Sana, sa kabila ng ingay at gulo, lalo na ngayong nag-umpisa na ang kampanya, mas manaig pa rin ang konsensya at pakikipagkapwa-tao.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page