top of page
Search
  • BULGAR

Kapos sa bigas, awat muna sa unli rice?

@Editorial | July 10, 2022


Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Hindi maitatangging non-stop din ang problemang nararanasan, partikular sa sektor ng agrikultura.


Dulot ito ng pandemya na sinundan pa ng giyera sa ibang bansa.


Kaugnay nito, iminungkahi kay Pangulong Bongbong Marcos na pagtuunan nang husto ang lokal na produksyon ng pagkain.


Inihirit din ang triple cropping o pagtatanim ng dalawa o higit pang pananim sa iisang bahagi ng lupa sa isang planting season para maparami ang produksyon ng palay. Posible umanong umani ang bansa ng 27 million metric tons ng palay sa pagsasanay na ito, na ginagawa rin sa Vietnam at Thailand.


Napag-alamang nawawalan ang bansa ng higit 40,000 hectares ng agricultural land dahil kino-convert ito bilang industrial, commercial at residential lands.


Kasabay nito ang payo sa publiko na bawasan umano ang pagkonsumo ng kanin para bumaba ang demand sa bigas at hindi tayo kapusin ng supply.


Mainam umanong pamalit sa bigas ang root crops gaya ng kamote. Ang tanong, paano kung halos bigas na lang ang kayang bilhin para mabusog ang mag-anak? Tipong kahit katiting ang ulam basta may kanin, ayos na rin.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page