top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kapitbahay niratrat dahil sa P1K utang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 16, 2023
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 16, 2023




Arestado ang isang 42-anyos na lalaki makaraan nitong pagbabarilin ang kanyang kapitbahay na naniningil lamang sa kanya ng utang sa Molo, Iloilo City, kamakalawa.


Nakilala ang suspek na si Nonoy Catalan na siyang bumaril at nakapatay sa biktimang si Armando Samson.


Ayon sa ulat, nangyari ang krimen nitong umaga nang Lunes, sa labas ng bahay ng suspek kung saan ay agad na nagtalo ang dalawa kaugnay sa P1,000 utang.


Nabatid pa sa imbestigasyon na may mga alegasyon na tinangka umanong saksakin ng biktima ang suspek ngunit nasagi ito ng suspek gamit ang kanyang bike.


Umuwi ang suspek para kumuha ng baril at sumugod saka kinompronta ang biktima hanggang narinig ang sunud-sunod na putok ng baril.


Patuloy ang pagtugis sa suspek na agad tumakas matapos ang pamamaril.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page