top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kapitan Kress Bayaning Mangingisda competition: A grand salute to fishermen as modern-day heroes

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 29, 2021
  • 2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | May 29, 2021



Sa larawan ang nangungunang 5 nagwagi ng First Kapitan Kress (mula kaliwa): G. Rolando Casipit-3rd runner-up, G. Bonifacio Mengullo-1st runner-up, G. Dante Noces-Grand nagwagi, G. Rolando Pablo- 2nd runner-up at G. Armando Bibat-4th runner-up.


Hello, Bulgarians! Kamakailan kinikilala ng Kress Elektrowerkzeuge at JGO Ventures Corporation, ang authorized distributor ng Kress sa Pilipinas, ang mahalagang kontribusyon ng mga Mangingisdang Pilipino. Kaagapay ang Kress, itinatag ng JGO Ventures Corporation ang Kapitan Kress Bayaning Mangingisda Search 2021.


Nilalayon ng Kapitan Kress Bayaning Mangingisda Search 2021 na kilalanin ang walang pag-iimbot na kontribusyon ng mga mangingisda para sa iba upang ipakita at kumuha ng inspirasyon.

Inilunsad noong Oktubre, 2020, ang Kapitan Kress Bayaning Mangingisda Search 2021 sa ngayon ay ang pinaka-komprehensibong kompetisyon para sa mga mangingisdang Pilipino sa bansa.


Noong Mayo 25, 2021, si Mr. Dante Noces of Balaoan, La Union ay nahirang na kauna-unahang Grand Winner ng Kapitan Kress Bayaning Mangingisda. Nahigitin niya ang higit sa 50 nominado mula sa iba’t ibang parte ng bansa.


Napunta ang First Runner-Up kay Bonifacio Mengullo of Rosario, Cavite Ang Second Runner-Up ay si Rolando Pablo of Navotas, Manila. Samantala, ang Third at Fourth Runners-Up ay sina Mr, Rolando Casipit of Luna, La Union at Armando Bibat of Calamba, Laguna. Ginawaran ang pagpaparangal sa Sobel Hotel, Caloocan City.


Ang mga papremyo iniuwi ni G. Noces ay P50,000 cash (tax-free), fishing boat worth P50,000, Kress Nautica engine worth P30,000, Kress Ambassadorship, trophy and certificate.


Nagwagi rin si Mr. Noces sa People’s Choice Award. Siya ay nakakuha ng pinakamaraming video shares at boto sa online audience.


Bilang aktibong pinuno ng mga mangingisda sa Balaoan, La Union, pinasimula at ipinatupad ni G. Noces ang breeding ng “maritangtang” o sea urchin sa kanilang lugar.


Ang nominator ni Mr. Noces na si Miss Leony Gagni ay tatanggap ng Honda TMX125 Alpha motorcycle with sidecar, Kress generator set at certificate.


Sa magandang kinalabasan ng kompetisyon, masayang ipinahayag ni Ms. Belle Santiago, Vice-President ng JGO Ventures Corporation, “Utang namin ang tagumpay ng programang ito sa ating mga mangingisdang Pilipino. Patuloy naming susuportahan ang ating mga mangingisda. Asahan ang isang mas pinaganda at mas dynamic na programa ng Kapitan Kress Bayaning Mangingisda sa pangalawang taon nito. Isang malaking saludo sa lahat ng ating bayaning mangingisda.” Ang Kapitan Kress Bayaning Mangingisda Search 2022 (Year2) ay ilulunsad sa mga darating na buwan.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page