Kapit-tuko sa liderato ang CSB; Gilas, minalas sa NZ
ni GA - @Sports | July 1, 2022

Puntirya ng College of St. Benilde Lady Blazers na mapanatili ang liderato laban sa all-time winningest team sa liga at delikadong San Sebastian-Recoletos Lady Stags, habang susubukang makabawi ng Mapua University Lady Cardinals kontra sa nanghihinang San Beda University Lady Red Spikers sa mas lumalalim na hampasan ng single elimination round ng 97th NCAA women’s volleyball tournament ngayon sa Paco Arena sa Maynila.
Patuloy na pagbibidahan ng troika nina Francis Mycah Go, Jade Gentapa at Jhasmin Gayle Pascual ang CSB Lady Blazers na naghahanap ng ikalimang sunod na panalo laban sa SSC Lady Stags na susuwagin ang ika-apat na tagumpay sa unang laro ng 12:00 n.t. na susundan ng tapatan ng Lady Cardinals at San Beda Lady Red Spikers sa 2:30 p.m.
Patuloy na pangungunahan ng tatlong manlalaro ang kampanya ng Taft-based lady spikers na nananatiling undefeated sa limang laro, kung saan puntiryang muling masundan ang kampeonato noong 2015-2016 edisyon.
Kumana ng tig-12 puntos sina Go at Gentapa, habang umalalay sa 9pts si Pascual para madaling kalusin ng Lady Blazers ang Cardinals sa huling laro sa 25-17, 25-11, 25-12 na lumikha ng ‘fastest game’ ngayong season na tumagal lang ng 1 oras at 1 minuto.
Samantala, hindi nakaporma ang Gilas Pilipinas national basketball team ng gulpihin at durugin ng crowd favorite na World No.25 New Zealand sa pamamagitan ng 106-60, kahapon sa 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers first window sa EventFinda Stadium.
Kinumpleto ng Tall Blacks ang paglinis sa Group A ng ipanalo lahat ng laro nila sa pamamagitan ng double-digit margins. Walang nagawa ang Gilas squad na dinomina sa lahat ng aspeto ng laro na pinagbidahan ni University of the Philippines Fighting Maroons forward Carl Tamayo sa 16pts at 5 rebounds sa 6-of-100 field goal shooting.





Comments