top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kapayapaan sa lahat ng bansa

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 24, 2023
1 min read

@Editorial | October 24, 2023


Nagpapatuloy ang digmaan sa ibang bansa.


Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa Gaza matapos na palakasin ng Israel ang mga protesta nito sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot laban sa Hamas.


Lumala ang tensyon nang dumating ang isa pang convoy ng 17 aid trucks sa nasabing lugar.


Ang naturang mga truck aid ay paunang tulong sa kabuuang 20 trucks na magmumula sa Amerika.


Matatandaang lumusob ang mga militante ng Hamas sa Gaza sa hangganan patungo sa Israel noong Oktubre 7. Naglunsad sila ng pag-atake at pangbobomba na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 1,400 katao na karamihan ay mga sibilyan.


Maraming lider ng iba’t ibang bansa ang kumondena sa nagaganap na karahasan.


May panawagan din mula sa mga simbahan na wakasan na ang digmaan na pinangangambahang mas lalawak pa. Kasabay ang apela na payagang papasukin ang mas maraming humanitarian aid sa Gaza Strip.


Batid naman natin na sa gitna ng giyera, higit na kawawa ay ang mga sibilyan, lalo na ang mga bata na naiipit sa patayan. Naipagkakait sa kanila ang karapatan na makapamuhay nang mapayapa at masaya. Sa halip na naglalaro o nag-aaral, mga bala at bomba ang pinipilit nilang iwasan.


Sana, matapos na ang digmaan sa ibang bansa. Umaasa tayo na mas mananaig ang kabutihan at kaayusan.


Pakiusap naman sa mga bansang hindi kasali sa gulo, huwag na sanang makisawsaw para ‘di makadagdag sa girian. Maiwasan sana ng bawat bansa ang makapagdulot ng gulo o perhuwisyo sa isa’t isa.


Hangarin natin ang mundo na mapayapa, maunlad at laging pinahahalagahan ang buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page