top of page

Kapatid na babae ni Obama, hinagisan ng tear gas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 26, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando @News | June 26, 2024



News

Hinagisan ng tear gas nitong Martes ang half-sister ni dating United States President Barack Obama na si Auma Obama sa isang protesta sa labas ng gusali ng parliyamento sa Nairobi, Kenya.


Pinagbabaril ng mga pulisya ang mga demonstrador na nagtangkang lusubin ang lehislatura ng Kenya, kung saan hindi bababa sa 5 ang napatay, 12 sugatan, at ilang bahagi ng gusali ng parliyamento ang nasunog habang ang mga mambabatas sa loob ay patuloy sa pagpasa ng batas upang itaas ang buwis.


Inilayo naman agad sa kaguluhan si Auma Obama na nausisa ng isang reporter ng CNN ang dahilan kung bakit siya nasa nasabing protesta. "I'm here because - look at what's happening. Young Kenyans are demonstrating for their rights.


They're demonstrating with flags and banners. I can't even see anymore," saad niya. Kinumpirma rin nitong ginagamitan sila ng tear gas ng mga kapulisan. Wala pa namang komento sa kasalukuyan ang opisina ng dating Presidente na si Obama sa pangyayari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page