top of page

Kapatid at kaibigan ni Guo, nahuli na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando @News | August 22, 2024



Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Ang kapatid ni dismissed mayor Alice Guo na si Shiela Leal Guo at kaibigan nitong si Cassandra Li Ong / Photo: Sen. Raffy Tulfo

Nahuli na ang kapatid ni dismissed mayor Alice Guo, na si Sheila Guo at ang kaibigan nitong si Cassandra Li Ong na kinumpirma mismo ni Sen. Risa Hontiveros nitong Huwebes.


Binigyang-diin ni Hontiveros na pananagutin ang mga ito sa pagtakas sa mga pagdinig ng Senado.


Nasa kustodiya na ng mga otoridad sa Indonesia ang dalawa, ayon kay Sec. Benhur Abalos ng Interior and Local Government sa isang naunang pahayag.


“I received a report last night galing kay Philippine National Police chief Police General Rommel Marbil na dalawa sa kasama niya ay naka-detain na sa Indonesia,” saad ni Abalos.


Paalis na sana ng Indonesia ang dalawa nang sila'y masabat ng mga lokal na otoridad. Inaasahang ibabalik ang dalawa sa 'Pinas.


Samantala, patuloy ang mga lokal na otoridad sa pagsasagawa ng manhunt operations upang mahuli rin si Alice Guo, na pinaniniwalaang namataan sa Kuala Lumpur airport nu'ng Hulyo 21.

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page