Kapatid ang nagdala sa Hague... Sara kay Imee: Du30, ibalik mo sa 'Pinas
- BULGAR
- 2 days ago
- 1 min read
ni BRT @News | June 13, 2025
File Photo: VP Sara at Sen. Imee Marcos - OVP, FB
Umaasa si Vice President Sara Duterte na si Senator Imee Marcos ang magbabalik kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakakulong ngayon sa The Hague, Netherlands, sa Pilipinas.
Ayon sa Bise, ito ang rason kung bakit niya laging iniimbita ang Senadora, tulad kahapon kung saan sila'y nakiisa sa pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, sa Kuala Lumpur, Malaysia.
“Siyempre inimbita ko si Senator Imee Marcos kung saan man ako pumupunta, dinadala ko siya kasi sinasabi ko sa kanya na hindi ako ang magbabalik kay dating Pangulong Duterte sa Pilipinas. Dahil ang kapatıd mo ang nagpadala sa kanya sa Hague, ikaw ang magbabalik sa kanya sa Pilipinas,” ani Duterte.
“Kaya dala-dala ko ‘yan siya kahit saan. Para siyang naka-hostage. Bibitawan ko lang ‘yan siya kapag si dating Pangulong Duterte nabalik na sa Davao City,” dagdag pa ng Bise.
Kommentare