top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kapatagan Braves, ibinaon ang ALZA-Alayon sa VisMin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2021
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | July 23, 2021



Pinutol ng Kapatagan Buffalo Braves ang kanilang 5-game losing skid upang ibaon ang ALZA-Alayon Zamboanga del Sur, 89-80, sa unang laro ng elimination roung ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup, kahapon sa Plaza Luz Gym, Pagadian City, Zamboanga del Sur.


Umariba sa opensa para sa Buffalo Braves si Marlon Monte sa kanyang 25 puntos, habang ginabayan naman siya nina Eduard Doroteo sa 17pts, dating FEU tamaraw Achie Inigo sa 14pts at Renz Palma sa 11 marka.


Determinado ang Buffalo Braves na wakasan na ang kanilang pagkabaon sa team standings sapol ng makuha nila ang unang panalo noon pang Hulyo 7 sa win-less na Iligan City Archangels. Nagawang kontrolin ng Buffalo Braves ang buong laro na tinapos sa 48-41 ang kalahati ng laro. Subalit matapos bahagyang makadikit ang ALZA-Alayon ang laro sa 2pt lead sa 48-46 sa 8:51 ng third canto, hindi na napigilan pa ang Buffalo Braves sa kanilang opensa ng ilista ang 25-5 run para sa 22-point lead sa 73-51 sa 3:29 ng laro na pinagtulungan nina Doroteo, Inigo, Morte at Palma.


Nabalewala naman ang 21pts ni dating PBA pro Dennis Daa na napigilan ang pag-aasam na makuha ang ikalawang sunod na pagkapanalo kasunod ng panalo sa host-team na Pagadian Explorers nitong Miyerkules.


Sunod na lalaro ang Buffalo Braves (2-4) sa Hulyo 26, Lunes, kontra sa Roxas Vanguards(2-2) sa 2:00pm, habang mauna munang lalaban ang ALZA-Alayon Zambonaga del Sur (-1-3) laban sa Vanguards ngayong araw, Biyernes para sa unang laro sa alas-2:00 ng hapon, na susundan ng pagtatapat ng Jumbo Plastic Basilan Peace Riders (3-0) at MisOr Brew Authoritea (2-3) sa main game sa alas-4:00 ng hapon.


Samantala, napanatili ng Clarin Sto. Nino ang imakuladang marka sa impresibong 76-65 panalo laban sa Kapatagan Miyerkoles ng gabi sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur. Nagsalansan si Carlo Lastimosa ng 22 puntos mula sa 6-of-9 shooting para sandigan ang Clarin sa imakuladang 5-0 karta.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page