Kapamilya at Kapuso stars, kahit joint forces pa… IT'S SHOWTIME, TINAOB NG TVJ SA DAMI NG NANOOD
- BULGAR
- Jul 2, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | July 2, 2023

Speaking of which, mas emosyonal at halos isinahog na ng E.A.T. (name ng bagong noontime show ng TVJ) ang lahat ng elemento sa kanilang pagsisimula sa TV5.
Mula sa audience sa kalsada, mga pulitiko, mga negosyante, mga kapamilya ng mga hosts at mga Dabarkads, mga executives ng TV5 pati na si Chairman and CEO Manny V. Pangilinan na nasa provincial location hanggang sa madamdamin at very witty na pagbaybay ng E.A.T. (sabay muwestra ng bulaga ni Bossing Vic Sotto), with their studio audience, kakaiba nga ang original noontime show.

At ang pinakagrabe pa, parang sinampal nila ang mga katapat na shows nang isa-isahin nila ang mga loyal advertisers and sponsors nila, na para bang nagsasabi na partners nila ang mga ito at kung wala ang mga ito ay hindi sila matatawag na “Kings of Noontime Show”.
Sa socmed ay bidang-bida rin ang E.A.T. nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at mga Dabarkads na halos doble ang views kumpara sa It's Showtime.
Sa mga susunod na isyu na natin ikukuwento ang iba pang ganap sa It’s Showtime at E.A.T dahil ang ikatlong show naman ang pupuntusan natin.





Comments