top of page

Kapamilya actress, tuwang-tuwa na nakita siya… MARIAN, GUSTONG MAKATRABAHO SI KIM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 days ago
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 17, 2026



Kim Chiu, Paulo Avelino at Marian Rivera - IG Prime Video PH

Photo: Kim Chiu, Paulo Avelino at Marian Rivera - IG Prime Video PH



Mababasa ang tweet sa X (dating Twitter) ni Kim Chiu na: “Organic encounter with the one and only Ms. Marian Rivera. Hihihi!”


Nagkita ang dalawa sa Prime Video announcement ng mga series na ii-stream sa nasabing platform. 


Sa video reels, makikitang magkatabi sina Marian at Kim at nagkuwentuhan.

Dahil sa video ng dalawa, marami ang nag-request ng collab series at itinag nila ang ABS-CBN, GMA Network at ang Prime Video. 


Sana, pagkatapos ng Behind Closed Doors (BCD) ni Marian at Kopino nina Kim at Paulo Avelino, series naman nina Marian at Kim ang isunod.


Lalo pang natuwa ang mga fans ni Kim nang sabihin ni Marian na gusto niyang makatrabaho ang Kapamilya actress. 


Sumunod ang request ng mga fans na sana, kung matutuloy ang collab series ng dalawang aktres, sina Paulo at Dingdong Dantes ang kanilang makapareha.





BASAAN ang magaganap sa concert ng Cup of Joe (COJ) billed Sandali: The Cup of Joe Fest happening on May 23, 2026 sa Philippines Sports Stadium. 


Kaya ang manonood, lalo na ‘yung nasa Splash Zone section, magdala ng extra shirt na pamalit kapag nabasa kayo.


Siniguro ng COJ na lahat ng nasa Splash Zone section ay mababasa at sila mismo ang magbabasa sa inyo para hindi kayo magalit. 


Kaya ganito ang setup ay para mas ma-feel ninyo na nasa music fest kayo at hindi lang basta nasa concert. 


Sold-out na ang ibang section sa open-air venue sa first week pa lang ng release ng tiket, kaya no choice ang mga bibili ng ticket kundi ang Splash Zone section.


Ang COJ ang first-ever Filipino artists na magpe-perform sa big at prestigious venue, kaya dagdag-pressure ito sa band na nagkaroon na ng fourth sold-out major concert sa Smart Araneta Coliseum. 


May guest performers ang band at ang binanggit lang nila ay ang Kamikazee. May iba pang guests na ikatutuwa ng mga fans.

Hindi pa napuntahan ng COJ ang venue. 


“It’s a very big venue, excited kaming mag-perform sa fans. Individually, kakanta kami na hindi namin ginawa sa mga naunang concert,” sey ni Gian Bernardino.

Naghahanda na rin sina Raphael Ridao, Gabriel Fernandez, CJ Fernandez at Xen Gareza ng solo nilang kakantahin. 


Ibabalik din nila sa Sandali concert ang ilang segment sa first major concert na Silakbo na kuwela sa mga fans.


Directed by Paolo Valenciano ang concert na ang description ng COJ ay super-creative, mas ambisyoso kaysa sa kanila at sinasabayan ang ideas nila. 

So, prepare to enjoy at mabasa sa Sandali concert ng isa sa sikat na banda ng bansa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page