Kapalit ni Rico… BAGONG DYOWA RAW NI MARIS, AFAM
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 12, 2026

Photo: FB Circulated
Masaya si Maris Racal para sa ex-boyfriend niyang si Rico Blanco dahil nakatanggap ito ng award sa larangan ng pag-arte.
Sey ng aktres, “I’m very happy for him. Nakakatuwa dahil matagal na n’yang gustong umarte. And now he has an award for it. I’m genuinely happy for him.”
Ipinapakita ng pahayag na masaya siya sa tagumpay ni Rico bilang aktor.
Binanggit pa niya na matagal nang pangarap ni Rico ang umarte, kaya natuwa siyang makita itong kinikilala sa bagong larangan.
Si Rico ay tumanggap ng Best Supporting Actor award sa 9th The EDDYS (Entertainment Editors' Choice) para sa kanyang pagganap sa pelikulang Manila’s Finest (MF).
Sa kanyang panig, wala namang ipinahiwatig si Maris tungkol sa kanilang nakaraang relasyon. Nakatuon lamang ang kanyang pahayag sa pagbati at pagkilala sa tagumpay ni Rico bilang artista.
Ibig sabihin nito ay naka-move on na ang aktres sa breakup nila ng singer na umabot din ng ilang taon.
Samantala, may natsitsismis ngayon na may bago na raw love life ang aktres at isa raw itong AFAM.
Komento ng mga netizens:
“So, AFAM (Amerikano) ang bagong dyowa n’ya.”
“I noticed the guy’s Goyard bag.”
“Akala ko, si Anthony Jennings na ang endgame n’ya."
"Hopefully, matagpuan na ni Maris ang guy na deserve n’ya.”
“After Rico and Anthony, she deserves to be in a happy place.”
Sa ngayon, wala pang inaaming bagong karelasyon ang nagwaging Best Actress sa nakaraang 9th The EDDYS Awards Night.
Bagama’t ipinagtanggol na ni Allen Ansay si Sofia Pablo, tuloy pa rin ang pamba-bash sa aktres.
Sinisisi pa rin siya sa pagtigil ng young actor sa panliligaw sa kanyang ka-love team. Kaya naman, nagsalita na si Sofia para depensahan ang sarili.
Sey ng aktres, “Mahirap po talagang ibalanse ‘yung career and love life. Eh, s’yempre, pareho po kami na bata pa and marami kaming dreams for our family. Maybe it’s not the right time to continue talaga na i-pursue namin ‘yung isa’t isa at the moment.
“Kasi ‘yung naisip po namin is ‘di na namin nga sasabihin sa public kung ano man ‘yung status ng ligawan, kasi it’s personal naman namin. But we understand the fans na s’yempre, magtataka sila kung bakit ‘di na kami ang nagkakasama.”
Kinumpirma mismo ng aktor kamakailan na itinigil na niya noong Marso 2026 ang panliligaw kay Sofia.
Ayon sa kanya, maayos ang relasyon nila at inirerespeto nila ang isa't isa. Nagbago lamang ang direksiyon ng kanilang mga prayoridad, lalo na pagdating sa trabaho. Wala umanong iniwan, nagpaasa o o hindi sila nagkasala sa isa’t isa.
Hiniling din niya sa publiko na huwag sisihin si Sofia at itigil ang pagkalat ng maling kuwento tungkol sa aktres.
LUMIPAD patungong Mumbai, India nitong July 10 ang aktor na si Jericho Rosales upang dumalo sa premiere ng Hollywood film na Odyssey.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag na nagsasabing kasama siya sa cast ng pelikula. Ang nakumpirma lamang ay dumalo siya bilang special guest sa premiere event sa Mumbai.
Ibinahagi rin niya ang kanyang kasabikan at reaksiyon bago bumiyahe papuntang India.
Hindi pa rin inianunsiyo ng mga organizers o ng production kung bakit siya partikular na inimbitahan. Posibleng bahagi ito ng international promotional event ng pelikula.
Ang mga pangunahing cast ng Odyssey, ang bagong Hollywood epic ni Director Christopher Nolan, ay sina Matt Damon bilang Odysseus, Tom Holland, Anne Hathaway, Robert Pattinson, Charlize Theron, atbp..
Isa ito sa pinakamaraming bigating artista na pinagsama ni Nolan, kaya malaking Hollywood event ang premiere na dinaluhan ni Echo sa Mumbai.





Comments