Kapalit daw ni Rhian, kasa-kasama sa mga events… FAITH AT KYLINE, PANG-DISPLAY LANG NI SAM SA MGA KAPWA NEGOSYANTE
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 20, 2026

Photo: FB Faith da Silva & Kyline Alcantara & Sam SV Versoza
Madalas ngayong nakikitang magkasama sina Faith da Silva at Sam Verzosa sa iba’t ibang events. Kaya marami ang nagsasabing si Faith na nga ang bagong apple of the eye ni SV, kapalit ni Rhian Ramos. Kaya, asahan na lagi silang nasa sentro ng mga tsismis sa showbiz ngayon.
Ikinukumpara si Faith kay Rhian Ramos. ‘Di hamak daw na mas maganda at mas may class ang beauty ni Rhian kumpara kay Faith.
At ngayon pa lang, marami na ang nagsasabing hindi rin magtatagal ang relasyon nila ni SV.
Ganunpaman, marami ang nagtataka kung bakit nali-link din itong si Sam sa isa pang Kapuso actress na si Kyline Alcantara. Nakikita kasi ang aktres na kasama si SV sa mga events ng mga young businessmen. Ipinakikilala na rin niya sa kanyang circle of friends si Kyline.
Well, hindi tuloy maiwasang isipin ng mga netizens na ginagawang trophy ni SV ang pagkakaroon ng celebrity girlfriend at hindi raw siya seryoso sa pakikipagrelasyon. Mas priority ni SV ang kanyang mga negosyo kaysa sa kanyang love life.
30 yrs. na sa showbiz…
DINGDONG, MAY ‘K’ BILANG PRIMETIME KING NG GMA-7
THIRTY years na sa showbiz si Dingdong Dantes at literal na malayo na ang kanyang narating bilang actor-performer.
Mula sa pagiging bahagi ng Abztract Dancers, nahulma ang acting skills ni Dong at naging seryosong aktor.
Nakaganap na siya sa iba’t ibang klaseng roles sa mga TV series. Nakalabas na rin siya sa maraming pelikula.
Hindi lang sa acting nahasa si Dingdong. Naging game show host din siya at marami ang nagsasabing napakagaling niyang host sa top-rated game show na Family Feud (FF).
Well, sa dami ng mga achievements na nakamit ni Dong sa kanyang career ay marami siyang dapat ipagpasalamat. Nakamit niya ang tagumpay dahil sa kanyang angking talent, sipag, dedikasyon, pagiging propesyonal sa trabaho at mahusay na pakikisama sa lahat ng bumubuo sa movie industry.
Si Dingdong Dantes din ang bumuo sa samahang AKTORPH na ngayon ay nasa ika-anim na taon na.
At may bago siyang serye ngayon sa GMA-7, ang The Master Cutter (TMC) kung saan gumaganap siya sa iba’t ibang katauhan. Ito ay mula sa direksiyon ni Dominic Zapata.
Kaya naman, deserved ni Dingdong ang titulong Primetime King ng GMA-7.
Pangarap ni Robin, tinupad…
KYLIE, ACTION STAR NA
NATUPAD din sa wakas ang pangarap noon ni Sen. Robin Padilla para sa anak niyang si Kylie Padilla na maging action star.
At nakita ng lahat na sa bagong seryeng Task Force Firewall (TFF) ay nag-switch na si Kylie Padilla sa pagiging action star mula sa pagiging dramatic artist.
Matatandaang bata pa si Kylie ay sinanay na ng kanyang amang si Robin sa martial arts. Gusto ni Sen. Robin na sumunod si Kylie sa kanyang yapak.
At mukhang handa na ngang sumabak sa action series si Kylie at mapapanood ito sa TFF. Tandem sila rito ni Miguel Tanfelix at pareho silang hindi gagamit ng double sa kanilang mga delikadong stunts na gagawin.
Patutunayan ni Kylie na taglay niya ang tapang ng kanyang amang si Sen. Robin Padilla pagdating sa aksiyon.
TAONG 2023 nang humiwalay si Cai Cortez sa mister niyang AFAM na si Wissem Rkhami. May dalawa silang anak, isang lalaki at isang babae, na nasa kanyang pangangalaga.
Ngayon ay masaya na ang love life ni Cai sa piling ng bago niyang inspirasyon na isang divorced US Navy na nakilala niya online.
Bukod sa kanyang showbiz career, abala si Cai sa kanyang tungkulin bilang konsehal ng Taytay, Rizal. Aktibo si Cai Cortez sa mga projects niya sa Taytay.
Marami siyang natutunan nang pumasok ss political arena.
Pero, iba pa rin ang fulfillnent niya kapag umaarte sa telebisyon at pelikula. Grateful si Cai na nabibigyan pa rin siya ng guestings sa mga shows ng GMA-7.





Comments