Kapag minalas, baka ma-double knockout si Pacman; K.O. na kay Cusi, K.O. pa kay Spence
- BULGAR
- Jul 19, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 19, 2021
KUNG MANANALO SA PAGKA-VP, LUSOT SI P-DUTERTE SA MGA KASO; KAPAG NATALO, 'YARI' SIYA KINA TRILLANES AT CARPIO--Matapos patalsikin si Sen. Manny Pacquiao bilang president ng PDP-Laban at palitan siya sa puwesto ni Energy Sec. Alfonso Cusi na BFF ni P-Duterte, sinabi ng pangulo na kakandidato na siya for vice-president para magkaroon ulit siya ng immunity nang sa gayun ay mawalan ng saysay ang banta nina ex-Sen. Antonio Trillanes IV at ex-Associate Justice Antonio Carpio na sasampahan siya ng mga kaso para makulong.
Kung makapagsalita si P-Duterte ay parang sure win na siya sa pagka-VP.
Paano kung matalo? Kapag natalo, yari siya kina Trillanes at Carpio kasi matutupad ang pangarap nilang maipakulong si P-Duterte, boom!
◘◘◘
MGA TRAPONG DDS, PARANG 'ENG-ENG'--Matapos sabihin ni P-Duterte na tatakbo siya for VP para "matakasan" ang mga kasong isasampa sa kanya nina Trillanes at Carpio, ang mga audience niyang trapo (traditional politicians) ay halos maglulundag sa tuwa.
Ganyan ang mga trapong DDS 9, parang mga "eng-eng" kasi wala namang sinabi si P-Duterte na platapormang gagawin niya para sa kapakanan ng mga Pinoy, kundi kaya lang niya gustong mag-VP ay para magkaroon ng immunity sa mga kaso, eh, ang mga suppporters niyang trapo ay nagpalakpakan na, nag-standing ovation pa, mga pwe!
◘◘◘
KUNG SI MAYOR SARA ANG BET NI SEN. KOKO, MALAMANG ANG SASABIHIN NI P-DUTERTE MAGALING ANG DISKARTE NG SENADOR--Sabi ni P-Duterte, mahina ang diskarte ni Sen. Koko Pimentel, anak ni yumaong ex-Sen. Nene Pimentel na co-founder at nagtaguyod ng partidong ito.
Porke hindi lang ang anak niyang si Mayor Sara Duterte-Carpio ang bet ni Pimentel na gawing pambato ng PDP-Laban, sinabihan na ni P-Duterte na mahina ang diskarte ng senador sa pag-handle sa kanilang partido.
Siguro, kung si Mayor Sara ang bet ni Pimentel at hindi si Pacman, malamang ang sinasabi ngayon ng pangulo ay "magaling ang diskarte" ni Sen. Koko, period!
◘◘◘
MA-DOUBLE KNOCKOUT KAYA SI PACMAN?--Ngayong talsik na si Pacquiao bilang PDP-Laban president, dapat mag-concentrate na lang muna siya sa laban niya kay American boxer Errol Spence kasi kapag tinalo siya sa boksing ng 'Kanong boksingero ay doble-kantiyaw aabutin niya sa mga DDS.
Knockout na siya kay Cusi na pumalit sa kanya bilang PDP-Laban president, knockout pa siya kay Spence, boom!





Comments