Kapag may monthly period… WFH para sa mga babaeng empleyado – La Union gov’t
ni Lolet Abania | October 18, 2022

Magpapatupad ang La Union provincial government ng flexible working arrangements para sa mga babaeng empleyado kapag panahon ng kanilang menstruation o buwanang dalaw, ayon kay Governor Rafy Ortega-David.
Sa social media post ngayong Martes, sinabi ni Ortega-David na pirmado na ang Menstruation Privilege Executive Order No. 25, kung saan ang mga babaeng empleyado ng provincial government ng La Union ay makakakuha ng 2 period days sa isang buwan na maaaring ma-avail ang “work-from-home arrangement.”
“With this EO, mayroon nang two-day per month privilege na makukuha ang female employees ng Provincial Government of La Union on their period days where they can ‘avail therefore for a work-from-home arrangement,’” saad ni Ortega-David sa isang Facebook post.
“Aside from this, we will also provide menstrual kits in every office,” ayon kay Ortega-David.
Naniniwala naman ang gobernadora na makapagbibigay ito ng kamalayan sa marami habang mapapabuti ang kalagayan ng mga babaeng empleyado sa panahon ng kanilang monthly period.
“I hope that with this EO, we can spread awareness and be kinder to our female employees lalong-lalo na sa kanilang period days,” pahayag ni Ortega-David.
“To all our female employees, this EO is my hug to each of you,” sabi ng opisyal.
“Sa ating administration, patuloy tayong makikinig sa pangangailangan ng ating mga empleyado at ng buong Kaprobinsiaan,” aniya pa.





Comments