top of page
Pokwang.jpg

Kanta ng K-pop group, ginaya, sablay naman… AI AI, PINEPETISYON SA GMA-7 NG FANS NG BLACKPINK

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2020
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 28, 2020




Nag-trending sa Twitter si Ai Ai delas Alas dahil sa production number niya sa Christmas Special ng The Clash ng song ng BlackPink na Lovesick Girls. May mga supporters ng BlackPink na nagreklamo dahil hindi raw inaayos ni Ai Ai ang pagkanta, hindi raw nito isinaulo ang lyrics at lumabas na hindi niya sineryoso ang pagkanta.


May nanawagan pa na i-petition si Ai Ai na tigilan ang pagko-cover sa songs ng BlackPink.


May nagpayo naman na sana, ang English cover na lang ng song ang kanyang kinanta kung hindi niya keri ang Korean lyrics.


Pero, inunahan na ni Ai Ai ang mga bashers at alam niyang maba-bash siya dahil bago pa mag-air ang number niya, nag-post na ito sa Instagram ng “Nag-opening na wohooo excited na ‘yung mga bashers ko, hahaha wohoooo malapit na ang BlackPink yehey.”


Saka nag-sorry si Ai Ai sa Blinks (tawag sa mga fans ng BlackPink) at ang sabi, “Mga Blinks, pasens’ya na, muntik nang ‘di kayanin pero INILABAN KO NAMAN... (apat naman sila na nakanta at nagra-rap, mag-isa lang ako gumawa, tulong naman) wohooo MERRY CHRISTMAS NA LANG, MGA KA-BLINKS KO!!!”


Wala pang reaction si Ai Ai sa mga bashers niya at hindi naman lahat ng netizens, nagalit sa kanya. Meron pa ring tumatawag sa kanyang fifth member ng BlackPink.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page