top of page
Search
  • BULGAR

Kanino ka ba talaga, Kuya? JOSHUA, SI JANELLA ANG TYPE NOON, SI JANE NA NGAYON

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 12, 2022




Si Janella Salvador ang gaganap na Valentina na sa paningin ni yours truly ay oozing with sex appeal. Kaya lang, lagi siyang may ahas na nakalagay sa kanyang balikat, as in ahas na buhay, ha!


Eh, syokot si yours truly sa mga ahas lalo na sa ahas na tumitigas kapag nasa kama na, charrrr, hahaha!


Kasama ni Jane sa pinakainaabangang serye ng taon mula sa ABS-CBN Entertainment sina Iza Calzado bilang si Leonor, ang unang Darna at ina ni Narda; Janella Salvador bilang ang vlogger at lawyer na si Regina at ang mortal na kaaway ni Darna na si Valentina; Joshua Garcia bilang ang police officer na si Brian; at Zaijian Jaranilla na gagampanan ang papel ni Ding, ang computer geek na kapatid ni Narda.


Kabilang din sa cast ng serye sina Paolo Gumabao, Rio Locsin, Richard Quan, Simon Ibarra, Jeffrey Santos, Eric Fructuoso, Levy Ignacio, at marami pang iba.


Mula sa direksiyon nina Master Director Chito S. Roño, Avel Sunpongco at Benedict Mique ang Darna na ipinrodyus ng JRB Creative production unit ng ABS-CBN.


Nagbahagi si Direk Chito tungkol sa Darna ng bagong henerasyon.


“I’m very pleased not only that [Jane] she focused, not only that she concentrated, she has done very well as an actress for Darna,’” papuri niya.


Meanwhile, may nagbulong kay yours truly na type or crush daw ni Joshua Garcia si Jane de Leon.


Eh, teka, ‘di ba’t noon, ang crush niya ay si Janella Salvador?


So, kanino ka ba talaga, Joshua?


Well, nag-wish ang ilang fans nina Joshua Garcia at Julia Barretto na sana raw, isinali rin si Julia sa cast ng Darna bilang kaagaw ni Jane sa puso at pag-ibig ni Joshua.


‘Yun lang and I thank you.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page