Kandidatura ni Lito Atienza, ibinasura ni Bro. Mike Velarde
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 15, 2022
SUPORTADO NG EL SHADDAI SI BBM–Inendorso na ni Bro. Mike Velarde ng El Shaddai ang kandidatura ng tandem nina Presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos at vice-presidential candidate, Mayor Sara Duterte-Carpio.
Nakupo, masakit ‘yan sa damdamin ni presidential candidate, Sen. Manny Pacquiao kasi akala niya ay siya ang susuportahan ng El Shaddai dahil katandem niya ang representante ng religious group na si Buhay partylist, Rep. Lito Atienza, pero ‘yun pala, ang kursunada ni Velarde ay si BBM at hindi si Pacman, boom!
◘◘◘
KANDIDATURA FOR PRESIDENT NG BUHAY PARTYLIST NG EL SHADDAI, IBINASURA NI BRO. MIKE–Kung masakit kay Pacquiao ang pag-reject sa kanya ni Bro. Mike, tiyak na mas masakit kay Lito Atienza na si Sara ang suportado ng El Shaddai.
Masakit talaga kasi ang tagal na panahong naging representante siya ng Buhay Partylist ng El Shaddai, tapos ibinasura siya ni Bro. Mike, saklap!
◘◘◘
HARRY ROQUE, PASOK SA TOP 12 SA PAGKA-SENADOR?–May lumabas na survey na kesyo pasok na sa Top 12 si former presidential spokesman Harry Roque.
Isa ‘yan sa pagpapatunay na hindi dapat pinaniniwalaan ang mga survey firms kasi mantakin n’yo, ang daming galit kay Roque bilang spokesman ni P-Duterte dahil sobrang taklesa nito, pati ang mga health workers ay inaaway, tapos sa survey ay pasok daw sa Top 12 ng pagka-senador.
Ano ‘yan, joke?
◘◘◘
HINDI LANG FOLLOWERS NG MGA PRESIDENTIABLES ANG NAGBABANGAYAN, KUNDI PATI ANG MGA ARTISTA–Sa social media, hindi lang ang mga followers ng mga kandidato sa pagka-pangulo ang nagbabangayan.
Pati kasi ang mga artista ay nagbabangayan na rin sa pagtatanggol at pagsuporta sa kanilang kandidato.
Ganyan kasaya ang eleksiyon sa ‘Pinas, ha-ha-ha!





Comments